Jake Vargas empathizes with cancer-stricken children

IMAGE Noel Orsal

Masakit para kay Jake Vargas ang makakita ng mga batang may cancer. Alam daw kasi niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga ito dahil cancer din ang ikinamatay ng kanyang ina noong 2011.


Halatang pinigilan ni Jake Vargas ang kanyang emosyon nang humarap siya sa mga batang may cancer na nananatili sa Child Haus Manila, kahapon, July 27.

Nakaka-relate daw kasi siya sa kanilang hinaharap na pagsubok dahil cancer din ang ikinamatay ng kanyang ina noong 2011.

Read: Jhake Vargas’s mom succumbs to colon cancer

Saad ng Kapuso actor, “Kasi katulad nung sinabi ko nga kanina [dun sa mga bata], yung nanay ko kasi may colon cancer.

“Parang nakaka-relate ako sa kanila, sa mga nararamdaman nila.

“Hindi rin kasi biro yung may cancer ka.

“Sabi nga nila, kapag may sakit kang ganun, isa yun sa mga malala na sakit na hindi siya basta-basta.

“Kasi hindi siya pang-mahirap… kumbaga, sabi nga nila, pang-mayaman daw yung sakit na ganun, may cancer.

“Kasi hindi yung ganun kadaling matanggal.”

Nakikanta at nakisayaw si Jake kasama ang mga bata.


Bilang pasasalamat, nagbigay naman ng handwritten birthday messages ang halos 40 bata kay Jake.


Kung may mensahe si Jake sa mga batang may cancaer na nakasalamuha niya, ano ang gusto niyang ipaaabot sa mga ito?

Tugon ng 24-year-old actor-singer, “Gusto ko yung magawa nila ang mga gusto nila habang bata pa sila.

“Kahit na may sakit sila, gusto ko lang masaya sila.

“Mag-pray sila kay God na huwag pabayaan ang health nila kasi mahirap magkaroon ng sakit [na ganyan], hindi biro.

“Siguro habang bata sila, i-enjoy nila ang buhay nila.”

Hangad din daw niyang gumaling sila sa kanilang karamdaman.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa birthday charity nito sa Child Haus Manila, Paco, Manila, nitong Miyerkules, July 27.

JAKE AT 24. Noong July 9 pa talaga ang ika-24 kaarawan ni Jake.

Pero hindi raw siya nagkaroon ng selebrasyon kundi mga pagtitipon lamang kasama ang kanyang mga tagahanga.


Wish daw niya, “Sana magtuluy-tuloy pa yung pagganda ng career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana yung blessings na dumarating sa akin, sana magtuluy-tuloy pa, and sana yung health ko huwag mapabayaan.”

Sa ngayon, nananatiling single si Jake dahil gusto raw niyang mag-focus muna sa kanyang career, lalo na ngayong kakapirma lang niya bilang talent ng GMA Artist Center, matapos pumanaw ang manager na si German 'Kuya Germs' Moreno noong Enero.

Read: Jake Vargas signs up with GMA Artist Center after Kuya Germs's death


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN