Julio Diaz cries harassment after being included in Meycauayan drug watch list

IMAGE GMA News Online

Mariing itinanggi ni Julio Diaz na hanggang ngayon ay gumagamit pa rin siya ng ipinagbabawal na gamot. Kaya naman daw personal na siyang nagtungo sa istasyon ng pulisya upang linisin ang kanyang pangalan.


Harassment daw kung ituring ng aktor na si Julio Diaz ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa drug watch list sa kanilang barangay sa Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV ngayong gabi, July 27, nagtungo raw si Julio sa police headquarters sa Meycauayan noong Lunes, July 25, upang linisin ang kanyang pangalan.



Ayon kay Meycauayan Chief of Police Superintendent Lailene Amparo, nakitaan naman niya ng willingness ang aktor na magbago.

Nangako rin daw si Julio na hindi na babalik sa paggamit ng bawal na gamot matapos siyang magkasakit nitong nakaraang Abril.

Tinalikuran na raw ito ng aktor dahil sa naranasang hirap noong nagkasakit siya.

Read: Julio Diaz in need of urgent brain surgery

TO CLEAR HIS NAME. Sa panayam kay Julio, nilinaw nitong hindi siya sumuko sa pulis kundi boluntaryo siyang nagpunta.

Aniya, “Kaya ako nagpunta doon is kinlaro ko na hindi ako kabilang sa mga taong hinahanap nila.

“Bakit kailangan akong isama sa tok-hang [Oplan Toktok Hangyo] na ‘yan.”

Umamin naman si Julio na gumamit siya noon ng ipinagbabawal na gamot, pero matagal na raw siyang tumigil.

Saad niya, “During the height of my career, every day lagi akong may taping, shooting, almost 24 hours akong walang tulog.

“So, here comes in my lifetime na napagamit ako niyan.

“Hindi ako puwedeng maadik sa lintik na droga na ‘yan kasi it will kill me.”

Ngunit ayon sa kapitan ng kanilang lugar, maraming nagpapatunay na gumagamit pa rin daw si Julio ng ipinagbabawal na gamot.

Pero ayon sa aktor, suportado niya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

Kamakailan lang ay nagtungo rin sa pulisya sa Toledo City, Cebu, ang singer-actor na si Jay-R Siaboc upang linisin din ang kanyang pangalan dahil daw sa paggamit ng ilegal na droga.

Read: Ex-PDA singer Jay-R Siaboc surrenders to police for drug use

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN