Marion Aunor refuses to comment on issue between mom Maribel and Vice Ganda

IMAGE Marion Aunor Instagram

Marion Aunor on her style of music: "I think it's pretty obvious na pag pinapakinggan ninyo ang music ko, naa-appreciate siya ng people sa music industry din. Pero sometimes, mayroon lang trouble trying to get across sa masa and all of that."


Ayaw nang palakihin pa ng singer na si Marion Aunor ang isyu tungkol sa reaksiyon ng kanyang ina na si Maribel Aunor sa komento ni Vice Ganda nang maging contender si Marion, bilang bahagi ng Team Power, sa katatapos lang na singing show ng ABS-CBN na We Love OPM: The Celebrity Sing-Offs.

Si Vice ang featured OPM icon sa nasabing episode at pagkataos mag-perform ng grupong kinabibilangan ni Marion, sinabi ni Vice na may sintunado sa grupo nila.

Hindi naman itinago ng ina ni Marion na si Maribel ang pagkadismaya nito sa aniya'y "below-the-belt comment" ni Vice at ipinagtanggol ang grupo ng anak.

Read: Marion Aunor's mom hits back at Vice Ganda over 'below-the-belt' comment

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Marion ay hiningan naming siya ng reaksiyon tungkol sa isyu.

Ngunit aniya, “I think it's better kung hindi na ako mag-comment about it, mas safer na lang siguro.

“I love my mom very much, she’s just overprotective of me.

“Actually, I took myself out of social media for a while para hindi ako ma-affect or anything like that.”

Naapektuhan ba siya sa mga pamba-bash na tinanggap niya at ng ina sa social media?

Ayon kay Marion, “Well, I don’t know, kasi more of sa mom ko naman yung naging issue.

“I took myself out of the situation, I guess.”

TITO BUBOY. Kamakailan ay pinagluksa ng pamilya Villamayor at Aunor ang pagpanaw ng bunsong kapatid ni Nora Aunor na si Eddie Villamayor.

Si Eddie Boy ay dating teen star noong early ‘70s.

Read: Nora Aunor's younger brother, '70s teen star Eddie Villamayor, dies at 56

Balita na si Maribel ang sumagot ng lupang pinaglibingan ng yumaong pinsan, sa kabila ng hindi pa rin naaayos na sigalot sa pagitan niya at ng Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat naman si Marion sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.

“I think it’s hard on everyone, especially yung mga close, like si Mom especially.

“Pero I think mas okay na rin na ganun dahil I guess everyone has his time, and I think time na rin ni Uncle at that time.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng dumalaw.

“It’s actually more of my mom who went there dahil sila talaga ang close and she didn’t want us to be part of that.”

Hindi naman kaila sa marami na hindi pa natutuldukan ang samaan ng loob sa pagitan ng ina ni Maribel at ng Superstar.

Ayaw mang magbigay ng komento tungkol dito ay nandun pa rin ang hiling ni Marion na maayos kung anuman ang problema sa pamilya nila.

Pahayag niya, “Well, sa kanila na yun.

“Next generation na rin ako, so I don’t really know kung ano yung issue.

“Of course, I am very hopeful na united ang lahat at all times, but I can’t say much about it dahil hindi ako yung nasa situation.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marion sa presscon ng Tunog Star Magic noong Lunes, July 25.

MARION’S MUSIC. Dito ay sinabi niya ang hinaing na marami ang hindi nakaka-appreciate ng istilo ng musika niya.

Saad ni Marion, “Yeah, yung struggles ko.

“I think it’s pretty obvious na pag pinapakinggan ninyo ang music ko, naa-appreciate siya ng people sa music industry din.

“Pero sometimes, mayroon lang trouble trying to get across sa masa and all of that.

“Recently naman, nung ginagawa na siya sa mga movies as theme song, naa-appreciate na rin siya.

“I think that’s progress.”

Kamakailan nga ay ginamit na theme song sa pelikulang The Achy Breaky Hearts ang “Pumapag-ibig,” na entry ni Marion sa 2014 Himig Handog P-Pop Love Songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang kumanta sa film version ay si Janella Salvador.

Hindi ba sumama ang loob niya na hindi siya ang kumanta ng sarili niyang awitin?

Tugon ni Marion, “No, it’s fine. I understand naman.

“I think nakatulong din naman yun.

“And lahat sila from Be Careful With My Heart at that time, so baka mayroon din ganung angle.”

TUNOG STAR MAGIC. Masaya naman si Marion na isa siya sa mga artist ng Star Magic na napiling maging bahagi ng Tunog Star Magic, kung saan ia-upload ang collaboration nila sa YouTube.

“Very honored ako kasi napili ako as one of the first couple of artists na nabigyan ng chance na makasali sa Tunog Star Magic.

“I’m very excited kasi collaboration siya with other artists na never ko pang nako-collaborate.

“I think sa YouTube siya every Thursday, may ia-upload siya na bagong video na collaboration with other artists.”

Hindi na raw papansinin ni Marion kung sakaling may mga basher na magku-comment.

“Well, alam mo na, deadma na lang.

“Kasi ginagawa naman namin ito for passion of music and sa mga fans naman na talagang gusto ang music namin.

“Kung may mga bashers diyan, nasa kanila na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN