Senator Tito Sotto dishes on meeting with MTRCB over victim-shaming complaint

IMAGE Noel Orsal

Sen. Tito Sotto on being bashed by netizens: "Marami sa mga gumagamit ng Facebook or Twitter, madaling to jump into a bandwagon without even trying to find out what this is all about. Yun ang danger and yun ang probably I'm disappointed on that part."


Nagkuwento si Senator Tito Sotto tungkol sa nangyaring meeting sa pagitan ng Eat Bulaga! executives at ng mga miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong July 21.

Kaugnay ito ng reklamong panghihiya diumano ng senador sa “Sugod Bahay” winner sa episode ng Eat Bulaga! noong July 9.

Read: Senator Tito Sotto to attend dialogue with MTRCB over 'victim-shaming' allegation

Ayon kay Tito Sen, napanood ng mga taga-MTRCB ang episode at nakita ng mga ito ang kanyang punto.

“In the first place, the complaint is wrong. The complaint is wrong talaga.

“In the first place, there was no victim.

“Ano’ng victim? Bashing, di ba?

“E, wala namang victim, winner yun, e.

“Hindi siya contestant. Hindi siya victim,” pagtukoy ng senador sa Sugod Bahay winner.

Pagpapatuloy ng Eat Bulaga! host, “Akala nila yung babae is claiming that she was raped, akala nila.

“Kasi meron siyang [Sugod Bahay winner] dialogue within the episode.

“Sabi niya, 'Hindi ko alam kung anong nangyari kasi lasing ako, e.

“So nobody knows what happened, kung may nangyari o wala. Wala naman siyang sinasabi.

“So, parang ang dating nitong mga nagsulat, hindi muna nila tiningnan yung episode.

“Hindi nila alam na yung babae, may asawa.

“Pinagbintangan nung asawa dahil laging umiinom sa labas, nakikipag-inuman kung kani-kanino.

“Siyempre, yung asawa, magagalit.

“Yun yung statement ko.

“Sabi ko, ‘Kababae mong tao, may asawa ka, pa-shot-shot ka, talagang mapapagbintangan ka.’ Hindi ba?”

Nalinawan daw ang MTRCB nang mapanood ang nasabing segment.

“So, without explaining it, the MTRCB saw the episode.

“Sabi nga nila, ‘The complaint is wrong in the first place.’”

DANGER ON SOCIAL MEDIA. Ano ang reaksyon ng senador kapag may mga ganitong netizens na namba-bash na hindi inaalam ang buong istorya?

Tugon niya, “Minsan nakakainis.

“Although dahil ako’y pulitiko, unlike Vic [Sotto] and Joey [de Leon], sanay na ako sa bashing, kaya madali sa akin yun, lalo na kung hindi totoo yung sinasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All you have to do is explain o kaya answer them.”

Dagdag pa niya, “Okay lang naiintindihan ko yun.

“Kaya lang, nakikita ko rin, marami sa mga gumagamit ng Facebook or Twitter, madaling to jump into a bandwagon without even trying to find out what this is all about.

“Yun ang danger and yun ang probably I’m disappointed on that part.

“Pero di mo rin masisi, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment press si Senator Tito sa set visit ng Eat Bulaga! ngayong Huwebes, July 28.

LOVE FOR WORK. Ipagdiriwang ng Eat Bulaga! ang kanilang ika-37 anibersaryo sa Sabado, July 30.

Sa loob ng 37 years, araw-araw, paano napapanatili nina Tito, Vic, at Joey ang kanilang passion para maging host ng Eat Bulaga?

Pahayag ni Tito Sen, “Kasi ano lang ako, e, Thursday, Friday, Saturday, lang ako papasok, unless there’s a break sa session.

“Pag may break sa session, papasok ako every day.

“Si Vic at si Joey, sila ang pinakamatanda diyan.

“Yung iba kasi, bago ang karamihan na andiyan, ang attitude is work, trabaho ito, hanapbuhay, so they love it.

“Pero Vic and Joey, mas malaki na yung love essence kesa sa work.

“Kasi kahit di pumasok yung dalawa, malamang sumuweldo.

“E, ako nung araw, di pumapasok sa Eat Bulaga, sinusuwelduhan din ako.

“So, I’m so sure ganon din yung attitude ng production namin, na kahit hindi papasok si Vic at si Joey, susuweldo pa rin yung dalawa.”

Ngunit dagdag din niya, “Hindi importante yung part na yun.

“Siguro talagang nasa kanila for love of the show, it’s a therapy for two hours and a half a day spend it. Masaya.

“The best job in the world is something you like doing.”

Ano ang tingin niya sa Eat Bulaga?

“It’s probably one of the biggest parts of my life aside from my wife [Helen Gamboa],” tugon ni Tito Sen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN