Iñigo Pascual on viral photo with dad Piolo: "Di namin problema kung may problema kayo sa picture na 'to."

IMAGE Noel Orsal / @hatima on Instagram

Tila nainis na rin si Iñigo Pascual sa patuloy na pamba-bash ng ilang netizens sa larawan nila ng amang si Piolo Pascual. Nag-post ang Kapamilya star sa Instagram ng mensahe para sa bashers, kung saan sinabi niyang hindi na nila problema kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa larawan.


Nagsalita na rin ang young actor na si Inigo Pascual laban sa netizens na nang-bash sa viral photo nila ng amang si Piolo Pascual.

Matatandaang pinaglaruan ng ilang netizens sa social media ang larawan nilang mag-ama na magkayakap sa higaan.

Pero ayon kay Piolo, na nakausap mismo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw matapos itong naging viral, hindi na siya nagtataka sa mga mapagdudang tao.

Saad niya, “Hindi na… kumbaga hindi ko na pinagtakahan yun.

“Yun talaga yung nature ng tao, e, masama yung mapagduda.

“E, my son didn’t see me for two months, you know, so ganun kami.

“Ganun kami ka-affectionate sa isa’t isa, so mainggit na lang sila, di ba?”

Read: Piolo Pascual on viral photo with son Iigo: 'Ganun kami ka-affectionate so mainggit na lang sila.'

“HATERS STAY HATIN.” Kahapon, July 28, ipinahayag ni Inigo ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram ng tungkol dito.

Kalakip ng naturang larawan nila ng ama, sabi ni Inigo sa caption: “Haters stay hatin'. Thanks for everything pa! Missed you!”

Sinamahan pa niya ito ng hashtag na #Dinaminproblemakungmayproblemakayosapicturenato

Haters stay hatin. Thanks for everything pa! Missed you! #Dinaminproblemakungmayproblemakayosapicturenato ??????????????????

A photo posted by Inigo Dominic Pascual (@iminigopascual) on

Ni-repost naman ito ni Piolo at sinamahan niya ng mensahe na “Love you son.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN