Melai Cantiveros defends husband Jason Francisco from bashers

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Melai Cantiveros: "Kanina sinabi na ang greatest love iiwanan mo dahil… iiwanan mo para ma-meet mo ang destiny mo. Ako naman, hindi ako nag-agree doon, kayong dalawa nag-agree, kasi nga yung greatest love ko ay yung destiny ko. At saka yung destiny ko, yun ang asawa ko, di ba?"


Isang open letter para ang ginawa ni Melai Francisco sa Instagram upang ipagtanggol ang kanyang mister na si Jason Francisco laban sa bashers at ilang Melason fans.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Jason na hiwalay na sila ni Melai dahil sa pagseselos at ginawang teleserye ng asawa.

Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

Pahayag ng Kapamilya comedienne-TV host sa joint IG account nila ni Jason na mrandmrsfrancisco, “Ang asawa ko ang pinaka-best na asawa sa lahat.

“Walang bisyo, di umiinom, di nagyoyosi. Kami lang ang bisyo ng asawa ko.

“Good provider ‘yan at kami lang ang inuuna niyan kahit kaninu man.

“Kaya ganun-ganun na lang niya kami kamahal.

“Ramdam na ramdam namin ni Mela yun.

“Overprotective siya sa amin sa lahat ng bagay.”

Patuloy pa ni Melai, “Sa mga mag-asawa, pagdadaanan talaga ang mga pagsubok at ang pagsubok ay unlimited.

“Kaya sa mga nagba-bash sa asawa ko, kung may respeto kayo sa relasyon namin, sa akin, sana ay tigilan niyo na at kami lang din ang makakaayos nito.

“Kung wala man kayong magandang sabihin, wag na lang kayo pumindot at manakit.

“Hindi niyo kilala asawa ko at di niyo alam kung saan siya nanggagaling. I’m sure lahat tayo may ganun.

“Kaya sana tigilan niyo na ang pag-judge sa aking bana. Kasi kung masasaktan ang aking bana, mas masasaktan ako.

“Double at triple pa ang sakit na nararamdaman ko.

“Mas sobra pa kay Mela kung mababasa nila ang comment niyo.”

Dagdag niya, “May mga mali at tama, pero time will heal all wounds.

“Walang kampihan at di kailangan ng kampihan kung sino dito kasi di naman kami magkaaway. MAG-ASAWA po kami.”

??

A photo posted by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

♥?

A photo posted by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

HOLDING ON. Base sa post niyang ito, malinaw na pinipili ni Melai na mag-hold on sa kabila ng balitang paghihiwalay nila ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, kung saan isa siya sa mga host kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal, ngayong umaga, July 29, hindi napigilang maging emosyunal ni Melai nang dumako na sa puntong pagbibigay ng tinatawag nilang “Pulot of the Day” sa kanilang show.

Ito ang segment bago matapos ang show kung saan ibinabahagi ng mga host sa mga manonood ang napulot nilang aral mula sa kanilang guests.

Ang guests nila ngayong umaga ay ang mga bida ng Star Cinema movie na How To Be Yours na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ayon kay Melai, “Kanina sinabi na ang greatest love iiwanan mo dahil… iiwanan mo para ma-meet mo ang destiny mo.

“Ako naman, hindi ako nag-agree doon, kayong dalawa nag-agree, kasi nga yung greatest love ko ay yung destiny ko.

“At saka yung destiny ko, yun ang asawa ko, di ba?

“So, kahit anumang problema ang dumating…”

Biglang napatigil si Melai at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Pagpapatuloy niya na nagka-crack pa ang boses, “Kahit anong problema ang dumating, paglalabanan iyan, kasi siya ang forever ko, e.

“Because ang forever is a choice, and I chose my forever.”

KARLA REACTS. Sa puntong ito, sinalo na ni Karla ang co-host at kaibigan.

Aniya, “Siyempre nakaka-touch naman na may ganitong pangyayari.

“Magkakaibigan kasi kaming tatlo, so siyempre katulad nitong istorya na ito [ng How To Be Yours], siyempre relate na relate kami, di ba, lalo na pag tungkol sa pag-ibig.”

Inihayag din ni Karla ang pagsuporta kay Melai.

“Kami kay Melai, bilang kaibigan, kahit anong maging desisyon niyan para kami sa kaligayahan niya.

“So, Melai, wala kaming ibang dasal kundi maging maganda at matupad iyang forever mo habambuhay hanggang pagtanda natin, okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN