Jovit Baldivino's girlfriend gives birth to baby girl

IMAGE @jovitbaldivino Instagram / Shara Chavez Instagram

Jovit Baldivino's non-showbiz girlfriend Shara Chavez gave birth to a baby girl named Ayeka last Friday, July 29.


Inanunsiyo ng girlfriend ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez na nagsilang ito ng isang healthy baby girl noong Biyernes, July 29.

Sa kanyang Facebook post noong Sabado, July 30, ibinahagi ng 18-year-old na si Shara ang larawan niya suot ang hospital gown sa Lipa Medix Medical Center sa Lipa, Batangas.

Kalakip nito ang larawan ng unang anak nila ni Jovit na si Baby Ayeka.

Sabi ni Shara sa caption ng kanyang post, “First we had each other, then we had you. Now we have everything! Welcome to the outside world little one. We love you so much baby Akeya!! Jovit Lasin Baldivino.”

Ito ang unang pagkakataong inamin ni Shara na siya ay nagdalantao at ngayon ay isa nang ganap na ina.

Matatandaang noong Mayo ay nagbahagi si Shara ng Facebook post kung saan idinetalye niya na dati siyang masugid na tagasuporta ng Kapamilya singer hanggang sa naging magkasintahan sila noong nakaraang taon.

READ: Jovit Baldivino's love story with non-showbiz girlfriend goes viral

Sa ngayon ay halos magi-isang taon na rin silang magkarelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN