Rosanna Roces to wed lesbian lover in August and December

IMAGE Rosanna Roces's Facebook account

Kasado na ang planong pagpapakasal ni Rosanna Roces sa lesbian lover na si Blessy Arias sa Canada sa Agosto. Nakatakda rin silang magpakasal muli sa Antipolo sa darating na Disyembre.


Kinumpirma ni Rosanna Roces na nakatakda silang magpakasal ng lesbian lover niyang si Blessy Arias sa Canada sa Agosto.

Ito ay sa kadahilanang legal ang same-sex marriage sa naturang bansa.

Ibinahagi rin ng couple na muli silang magpapakasal sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo sa December 10.

Katunayan ay nagpagawa na si Rosanna ng wedding gown at matching veil.

Base ito sa panayam kina Rosanna at Blessy sa July 31 episode ng Rated K.

TEENAGE LOVE. Minsan nang naikuwento ni Rosanna na 15 taong gulang siya nang una niyang maging “ka-on” ang noo'y 19 taong gulang na si Blessy.

Inamin din ni Rosanna na sinadya niyang magpabuntis sa isang “kabarkada” para mabigyan siya ng anak.

Plano noon ni Rosanna na sila ni Bless yang ituturing na magulang ng bata.

Read: Rosanna Roces to marry lesbian lover

Sa panayam kay Bessy, inamin nitong siya ang nang-iwan kay Rosanna noong ipinagbubuntis pa lang nito si Grace.

Kuwento naman ni Bessy, “I was thinking baka gusto na niya ng a different kind of relationship, kumbaga yung norm na family, may nanay at may tatay na magigisnan si baby.”

SECOND CHANCE. Lumipas ang 27 taon bago sila nabigyan muli ng pagkakataong ayusin ang kanilang “unfinished story.”

Sa kaso nila, tunay nga ang kasabihang 'love is lovelier the second time around.'

Sabi ni Bessy, “Kapag magkasama kami, yung simplicity ng life, yun ang tumatak sa akin. Hindi yung showbiz side of her.”

Nakangiting dagdag ni Rosanna, “Buti na lang ni-ready ko yung sarili ko na single ako. Para pagdating ng forever ko, single ako.

“Tumatak sa isip ko yun. Dapat pala talaga marunong kang maghintay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN