Chavit Singson to help in staging of Miss Universe in the Philippines

IMAGE Gorgy Rula

Ayon kay dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, marami na siyang nakausap na interesadong tumulong at mag-sponsor ng Miss Universe 2016 dahil iyon lang naman daw ang ipinangako nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang gagastusin ang gobyerno.


Ang dating governor ng Ilocos Sur na si Luis ‘Chavit’ Singson ang nangunguna sa pag-coordinate na dito sa Pilipinas gawin ang Miss Universe 2016.

Ayon kay Singson, matagal na siyang nakipag-usap sa organizer ng Miss Universe na sa ating bansa gawin ang susunod na patimpalak.

Lahad niya, “Kinausap ako nung nakabili ng sa grupo ng Miss Universe.

“Nakiusap sila kasi maganda rin sa Pilipinas, magandang advertisement to everybody.

“That’s the biggest beauty contest sa buong mundo.

“So, ako, subukan ko and mukhang matutuloy na, formalities na lang kulang.

“Before elections pa nag-uusap na kami ng Miss Universe group.

“Pumayag naman ang Presidente [Rodrigo Duterte] nang magpaliwanag si DOT Secretary Wanda [Corazon Teo], may go signal na si Presidente.”

Marami na rin daw siyang nakausap na interesadong tumulong at mag-sponsor dahil iyon lang naman daw ang ipinangako nila sa pangulo na walang gagastusin ang gobyerno.

Saad ng 75-year-old politician and businessman, “Pinagtulung-tulungan namin para makatulong kami na walang manggagaling na pera sa gobyerno.

“Tatlo kami, e, si Sec. Wanda and the private sector, na ako na ang nagku-coordinate.

“We’re trying to raise funds na mga 12 million US dollars.”

Dagdag niyang pahayag, “Support lang kami sa gobyerno.

“Pero baka malugi pa kami diyan, e, dahil malaki ang 12 million [dollars], e.

“Pero marami naman kaming katulong, for example mga malalaking hotels.

“Nakausap ko na lahat… the Okada group, Solaire, Resorts World, City of Dreams.

“Pumayag na sila na tutulong for the accommodation.

“Si Henry Sy, pumayag naman na gamitin ang Mall of Asia.”

Bukod pa rito ay may ilang malalaking kumpanya raw na gusto ring mag-sponsor.

“Of course, may mga sponsors, pero baka malugi kami dahil malaking gastos ‘yan, e.

“We don’t mind dahil maa-advertise naman lahat ng mga negosyo dito sa buong mundo.

“Yun ang sitwasyon ngayon, formalities na lang ang kulang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Biyernes, July 29, ay inanunsiyo ni DOT Secretary Wanda Corazon Teo na dito na nga sa Pilipinas gagawin ang susunod na Miss Universe.

Read: It's official: Philippines will host Miss Universe 2016!

AIRPLANE & YACHT. Ibinahagi rin ni Singson sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may nabili nang eroplano at yate na gagamitin sa Miss Universe 2016.

Lahad ng dating governor, “Napaghandaan ko na ang lahat.

“Meron na kaming eroplanong gagamitin, may mga na-coodinate na mga buses.

“May binili na rin na yacht, Mega yacht yun na malaki.

“Parating pa lang from Monaco.”

Nandito na raw ang eroplanong gagamitin, isang 148-seater na Boeing 747.

Ipinakita ni Singson sa amin ang litrato ng malaking yate na parating na raw. Isang Alpha Marine type na yate gawa sa Italy.


Dagdag pang kuwento ng dating Ilocos Sur governor, nagkasundo na raw na sa January 30, 2017 ganapin ang Miss Universe.

“January 29 supposed to be.

“Nakiusap mga hotels na January 30 kasi katatapos lang ng Chinese New Year, e.

“Bandang last week of January ang Chinese New Year, e.

“Sa Amerika naman, tamang-tama by that time, katatapos lang ng Super Bowl. Hindi naman puwede sabay sabay.”

Napag-usapan na rin daw ang ilang lalawigang posibleng mag-shoot ng ilang segments ng Miss Universe.

Isa na nga raw rito ang Vigan na isa sa 7 Wonders of the World.

Kaya excited ang kasalukuyang governor na si Ryan Singson dahil marami raw puwedeng ma-promote sa Vigan.

Payagag niya, “Hopefully matuloy, and we’re looking forward na kahit isang pre-pageant lang dito sa Vigan.

“It will help our tourism. Kasi makikita ‘yan sa buong mundo, e.

“We will showcase our tourism spots here in Ilocos. Malaking bagay po yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN