Piolo Pascual thanks Claudine Barretto for defending him from bashers

IMAGE Noel Orsal

Isa sa mga nagtanggol kay Piolo Pascual sa isyu ng larawan nito kasama ang anak na si Iñigo ay ang dating leading lady ng aktor na si Claudine Barretto. Kaya naman nagpasalamat si Piolo sa aktres sa pagtatanggol nito sa kanya.


Nagpasalamat ang Kapamilya matinee idol na si Piolo Pascual sa pagtatanggol sa kanya ng dating leading lady na si Claudine Barretto.

Ito ay kaugnay ng mga malisyosong komento ng ilang netizens tungkol sa lumabas na larawan ng aktor at ng binatang anak nitong si Inigo Pascual na magkayakap habang nakahiga.

Read: Claudine Barretto hits back at Piolo Pascual's bashers: 'U guys r hitting not only a good but GREAT MAN!'

Pahayag ni Piolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tinext ko nga si Clau, kasi wala ako dito nun, e, nabasa ko lang sa Instagram.

“Nakita ko lang, sabi ko, ‘Clau, you haven’t changed.’

“Back in the day, ganun na si Clau. Pag may nang-aasar sa iyo, siya talaga yung lumalaban para sa iyo, siya yung humaharap.

“Kaya nag-text ako sa kanya, nag-thank you ako sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa na makikita mo, kahit hindi kami nagkikita...

“Sabi niya, ‘Ngayon, you know, hindi lang ikaw, pati si Inigo. I’m here to look after you, guys.’

“Ang sarap ng ganung pakiramdam na may magandang relationship ka sa mga kaibigan mo.”

Nagkasama sina Piolo at Claudine sa pelikulang Milan (2004) at mga teleseryeng Buttercup (2003-2004) at Walang Kapalit (2007).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN