Liza Diño fires back at bashers for lewd comments about her and Aiza Seguerra

IMAGE Miki Miclat

Hindi napigilan ni Liza Diño ang kanyang sarili at nagbanta na gagawa ng legal na hakbang laban sa bashers na nagkomento ng malalaswang salita laban sa kanya at sa partner niyang si Aiza Seguerra.


Binuweltahan ni Liza Dino ang ilang bashers niya sa Facebook na tila niyurakan ang kanyang pagkatao.

Marahil ay napuno na ang aktres sa itinuturing niyang mga "baboy" na komento tungkol sa kanya at sa partner niyang si Aiza Seguerra, kaugnay ng post niya tungkol sa extrajudicial killings.

Read: Liza Dio alarmed by 'drug-related killings': 'Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon, drug related?'

Ngayong araw, August 2, idinaan ni Liza sa Facebook ang kanyang pagganti sa mga nang-aalipusta sa kanyang pagkababae.

Ibinalandra rin ng aktres ang mga larawan ng nangba-bash sa kanya.

Sa una niyang post, binanatan ni Liza ang isang Facebook user na diumano’y graduate mula sa Ateneo de Manila University.

Sabi ni Liza, “My post regarding 'extrajudicial killings' was picked up by the media.

“At as usual, imbis na basahin ang article, kaliwa't kanan na naman ang mga personal na komentaryo tungkol sa relasyon naming mag-asawa at kung anu-anong mga bastos na salita ang binabato sa amin.

“Well, It's about time people be held accountable for what they say online.

“To Bryan Harris Richard, para sa isang taga ATENEO at consultant ng SHELL, napakabalahura mo!

“Palakpakan natin to.....sa mukha!!!”




Read: Liza Dio alarmed by 'drug-related killings': 'Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon, drug related?'

“THIS HAS TO STOP.” Sa kasunod niyang post, tila nagbanta na si Liza na idadaan niya sa legal na proseso ang pang-babash sa kanya.

Labis na ikinagalit ni Liza ang mga salitang “baboy,” “finger,” at “lengua” na ginamit ng ilang mga nagkomento.

Sabi niya, “There must a way for people to be held liable for these irresponsible and lewd comments. Marami pang mga ganyan.

“We're growing as a nation na empowered mambaboy ng kapwa dahil walang accountability.

“THIS HAS TO STOP.

“Masyado tayong naiimmune kaya sinasabing wag patulan at palampasin na lang.

“Desensitized na tayo sa pambababoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anong nangyayari sa atin? Dati, may takot manirang puri sa kapwa dahil pwedeng makulong. Ngayon, ano? People can just freely throw lewd and below the belt comments to anyone.

“Sorry, but I can't accept na magiging ganito ang kahihinatnang future ng anak ko dahil lang sinasabing, ‘ito na ang panahon ngayon.’”

Sinamahan niya ang post na ito ng screenshots ng mga profile at kanilang mga komento.

Hindi na ito isinama ng PEP dahil may mga menor de edad na kasama sa mga profile pic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN