Ryza Cenon on being single: "Tama na muna yung ikaw nang ikaw yung nagbibigay sa iba."

IMAGE Lendl Fabella

"Hindi pa lang talaga ako ready. Kasi kapag iniisip ko siya, may manliligaw sa 'yo, 'Hay, dyusko! Meron na naman akong i-entertain. Tapos ano? After masasaktan ka?' Inuunahan ko kasi agad," said Ryza Cenon when asked why she prefers to be single for now.


Nilinaw ni Ryza Cenon na hindi siya na-trauma sa pakikipagrelasyon kahit na ilang beses na siyang nasaktan dahil sa pag-ibig.

Pahayag niya, “Na-realize ko lang na kailangan ko munang mag-focus sa sarili ko.

“Tama na muna yung ikaw nang ikaw yung nagbibigay sa iba.

“Ngayon naman, ibigay naman natin sa sarili ko.”

Ano ba ang state of mind niya ngayon?

Sagot ng Kapuso actress, “Gusto ko muna mag-enjoy sa pagiging single. Single life muna tayo.

“Ayaw ko muna pumasok sa relationship kaya mas pinu-push ko yung lahat ng gusto ko gawin. Kaya yun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa #ArtcherywithRyzaCenon na ginanap sa Gandiva archery range sa Pasig City noong Sabado, Hulyo 30.

Ayon kay Ryza, kusa na lang niyang mararamdaman kung handa na siyang umibig muli.

“Kasi kapag hindi ka pa ready, feeling mo hindi mo naibibigay lahat.

“So, mas okey na rin yung ready ka.

“Kasi mas mararamdaman mo yung hundred percent happiness with someone.”

HINDI PAASA. Siya raw ang tipo ng babae na hindi “paasa” sakaling may gustong manligaw sa kanya.

“Ay, hindi. Wala. Hindi ako nagpaparamdam.

“Kapag gusto lang niyang manligaw, sinasabi ko agad.

“Kasi ayaw ko rin ng may aasa sa akin. Or masasayang nila yung effort nila.

“Puwede namang maging friends. Pero other than that, hindi ko na kayang ibigay.”

Ano ba ang standard niya pagdating sa isang potential boyfriend?

Sagot ng Kapuso actress, “Wala naman. Hindi naman ako ganun ka-choosy. Hindi pa lang talaga ako ready.

“Kasi kapag iniisip ko siya, may manliligaw sa ‘yo, ‘Hay, dyusko! Meron na naman akong i-entertain. Tapos ano? After masasaktan ka?’

“Inuunahan ko kasi agad. So, ibig sabihin, I’m not ready yet.”

Gayunman, ibinahagi ni Ryza na inspirado pa rin siya kahit walang boyfriend.

Nagamit pa raw niya ang masasakit na karanasan sa paggawa ng bagong set of paintings para sa susunod niyang art exhibit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kapag nakita mo na yung painting ko na second batch, ibang-iba sa first.

“Deeper ito, mas masakit…

“Siyempre, may mga times na may hugot tayo diyan. So, dun ko na lang inilabas.”

Matatandaang noong Hunyo ay inilunsad ang unang art exhibit ni Ryza na may titulong Independencia: Ang Panimula.

Sa naturang okasyon inamin ng Kapuso actress ang pinagdaanan niyang depresyon noong nakaraang taon.

Read: Ryza Cenon opens up about attempted suicide due to depression


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN