Star Magic: John Lloyd Cruz and Maja Salvador did not have a romantic date

IMAGE Instagram (@MAJASTY)

The handler of Maja Salvador and John Lloyd Cruz clarified that there is nothing romantic going on between the two stars after their Instagram photo together went viral.


Dahil sa larawang ipinost ni Maja Salvador sa Instagrm, kung saan kasama niya si John Lloyd Cruz, may mga nagtatanong kung romantic date ba ang nangyari sa pagitan ng dalawang ABS-CBN stars.

Magkasama kasing nanood sina Maja at John Lloyd ng pelikulang How To Be Yours, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa nasabing Instagram post, ginaya nina Maja at John Lloyd ang larawan nina Gerald at Bea sa poster ng kanilang pelikula.

Read: Maja Salvador and John Lloyd Cruz watch Bea-Gerald movie together

How To Be Yours Po ???? #NowShowing

A photo posted by MAJASTY???? (@iammajasalvador) on

Sa comments section ng Instagram post ni Maja, may mga nagbigay ng kahulugan sa ginawang pose nina Maja at John Lloyd.




Ipinagtanggol naman ng mga tagasuporta nina Maja at John Lloyd ang dalawa at sinabing huwag bigyan ng malisya ang larawan dahil close na magkakaibigan sina Maja, John Lloyd, at Bea.




NOT A DATE. Sa episode ng Tonight With Boy Abunda (TWBA) nitong Huwebes, August 4, nilinaw ng handler nina John Lloyd at Maja, si Neneth Rustia, na hindi romantic date ang nangyari sa pagitan ng kanyang mga alaga.

Nagpadala ng text message ang handler sa TWBA at itinanggi ang espekulasyong nag-date sina Maja at John Lloyd.

Ayon sa text: “Dating? Kung dating yun, hindi sila magpu-post, especially si John Lloyd.

“At kasama kami last night, marami kami.

“Yun lang yung tulong nila sa kaibigan nilang si Bea.”

Dating iniugnay si John Lloyd kay Bea, samantalang ex-boyfriend ni Maja si Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN