Liza Diño defends Mocha Uson against bashers: "She doesn't deserve all these hate."

IMAGE @mochauson Instagram / Mark Atienza

Hindi ikinatuwa ni Liza Diño (kanan) ang pagkuyog ng bashers kay Mocha Uson (kaliwa) kaya dinepensahan niya ito. Hindi man daw sila nagkakapareho ng opinyon sa ilang mga bagay, pero hindi raw nararapat na alipustahin si Mocha ng netizens.


Katakut-takot na pambabatikos ang inabot ni Mocha Uson matapos lumabas ang balitang itinalaga diumano siya bilang social media manager ng Bureau of Customs (BOC).

Inikot ng singer ang ilang TV shows ngayong araw, August 5, upang ipaliwanag ang kanyang panig sa maling balita.

Naging trending topic din siya sa Twitter matapos ang diumano’y pag-appoint sa kanya ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

Read: Bureau of Customs denies Mocha Uson appointment as social media consultant

Dahil dito, maraming masasakit na salita ang ibinabato kay Mocha.

Inungkat pa ng ibang netizens ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya at ang mga dati niyang posts sa social media.

Read: Mocha Uson hurt by bashing over 'BOC appointment'

'BELOW THE BELT.' To the rescue naman kay Mocha ang kapwa niya Duterte supporter na si Liza Dino.

Tulad ni Mocha, vocal din si Liza, pati na ang kapartner nitong si Aiza Seguerra, sa pagtulong nila kay President Rodrigo Duterte sa mga adhikain nito sa bansa.

At dahil sa kanilang mga opinyon, kadalasan ay naba-bash din sila ng netizens.

Depensa ni Liza kay Mocha, “Yung bina-bash ninyo, mas may pakinabang pa kaysa sa inyong mga walang ginawa kung di mangutya at mamuna.

“Mocha and I may not always see things eye to eye and, yes, may mga opinyon siyang hindi ako sang-ayon, but she doesn't deserve all these hate. Below the belt na.

“May paraan para ipahayag ang inyong opinyon na hindi kailangang manapak ng pagkatao at manirang puri.

“Kailangan na talagang magkaroon ng batas para supilin ang cyberbullying. Dahil sa social media, lumalabas ang pagkawalang modo ng mga tao. Nakakalungkot.”

Kamakailan ay naging biktima rin ng bashing si Liza dahil sa naging opinyon niya sa extrajudicial killings.

Read: Liza Dino fires back at bashers for lewd comments about her and Aiza Seguerra


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN