Jerico Estregan reveals reason for running as Laguna governor against his father

IMAGE Noel Orsal

Naka-move on na raw ang pamilya nina Jerico Estregan mula sa kanilang pagkatalo sa pagka-gobernador sa Laguna nitong nakaraang eleksiyon. Nakalaban ni Jerico ang amang si ER Ejercito sa gubernatorial race sa naturang probinsiya at pareho silang natalo.


Ipinaliwanag ni Jerico Estregan kung bakit tumakbo siya bilang gobernador ng Laguna noong nakaraang eleksyon, kung saan nakatunggali niya mismo ang kanyang ama na si dating Laguna Governor ER Ejercito.

Saad ng bagong Regal Baby, “Nagkataon kasi, pag magipit yung tatay ko na mag-file sa pagka-governor, kung hindi siya makatakbo…

“Napag-decide-an ng buong team o ng buong partido, na to at least have a back-up, na least choice.”

Matatandaang na-dismiss si ER sa kanyang tungkulin bilang gobernador ng Laguna dahil sa overspending offense nito noong 2013 elections.

Dagdag pang pahayag ni Jerico, “Kung hindi siya makatakbo, despite all his hard works and all his achievements as governor… bakit naman sa gitna ng career niya nangyari yung ganun, naalis siya.

“E, di kung sino man ang papalit sa kanya, probably, supposedly, kung sino man yung mapagkakatiwalaan niya nang maayos, which is siguro ako yun, napag-decide-an na, ‘Sige, kung hindi man siya makatakbo, ako na lang.’”

Nagulat man si Jerico sa naging desisyon ng partido na kinabibilangan ng ama, pero pumayag na rin siya para maipagpatuloy ang nasimulan nitong mga adhikain sa kanilang probinsiya.

Saad pa ng panganay na anak ni ER, “At first nabigla ako, hindi naman agad-agad ako ready.

“Siguro kung ano man ang dumating, okay lang naman, i-accept ko yun para maituloy lahat ng mga projects niya.

“Para mabigyan ng tulong ang mga taong humihingi ng tulong sa province ng Laguna, so ayun, tumakbo ako as governor.

“Yung kay Papa kasi, late na in-announce na puwede siyang tumakbo ulit, e… so nag-withdraw ako.

“Pero hindi naman inalis yung pangalan ko sa balota, which is naguluhan ang mga tao, kasi halos pareho ang pangalan namin ni Papa ko, e, kaya ayun.”

Parehong natalo ang mag-ama sa pagka-gobernador; ang nanalo ay si Ramil Hernandez.

Pero sa ngayon daw, naka-move on na sila sa naging resulta ng eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jerico, “Na-overcome naman namin. We are doing good, my parents are doing good.”

Ngunit ang kanyang amang si ER ay hindi pa rin matahimik sa aniya’y pagmamanipula ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, kaya naghain ito ng electoral protest at hiniling sa korte na magkaroon ng special election sa Laguna.

Read: ER Ejercito accuses former President Noynoy Aquino of 'masterminding' Oplan: Asiong


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN