Kakai Bautista defends herself from nasty comments about her involvement with Mario Maurer

IMAGE Internet (Kakai-Mario) / Noel Orsal (Kakai)

Kakai Bautista defends herself from nasty comments about her friendship with Mario Maurer, which sparked issues years ago. She said, "Apat na taon na po akong nanahimik, never ko pong naipagtanggol ang sarili ko sa lahat lahat po ng panglalait na natanggap ko. Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila, bakit ganun na lang ang galit nila sa akin. Pero sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God Bless you all."


Ipinagtanggol ni Kakai Bautista ang sarili tungkol sa diumano’y panlalait sa kanya na may kinalaman sa pagbabalik sa bansa ng Thai actor na si Mario Maurer.

Dumating ang Thai superstar kahapon, August 6, para sa isang press conference bilang Amazing Thailand campaign ambassador ng Tourism Authority of Thailand.

Ngayong araw, August 7, ay nag-post si Kakai sa kanyang official Facebook page ng ilang screen grabs ng exchange of comments ng publicist na si Joyce Ramirez at ng isang kaibigan nito.

Saad ng comedienne sa kanyang caption, “Apat na taon na po akong nanahimik, never ko pong naipagtanggol ang sarili ko sa lahat lahat po ng panglalait na natanggap ko.

“Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin.

“Pero sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God Bless you all.”


EXCHANGE OF COMMENTS. Nagsimula ang naturang exchange of comments sa post ng ABS-CBN writer na si Ian Reyno tungkol sa press conference ni Mario Maurer na naganap sa Dusit Thani Hotel sa Makati kahapon.

Sa post ni Ian ay nag-iwan ng comment si Kakai ng tatlong heart emoji.

Nag-reply naman ang ABS-CBN reporter na si MJ Felipe na “Huwag po tayong humarot Kakai,” bilang biro dito.

Sa reply naman ni Kakai ay sinabi niyang baka nasa pintuan pa lang siya ng Dusit Thani Hotel ay paalisin siya.

Dito rin niya nabanggit ang pangalang “Joyce.”

“Baket? Hahaha paano haharot, e baka nasa pinto pa lang ako ng Dusit Thani, itaboy na nila ako.

“Hahaha MJ Felipe, nako ayaw ni Joyce! Ahahaha!”

Sa Facebook account naman ni Joyce Ramirez, na siyang tumayong PR ng events ni Mario noon sa Penshoppe, ay ipinost niya rin ang screen grab ng exchange of comments nina Ian at Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi niya sa kanyang post, “Sinong Joyce naman 'yan Kakai Bautista? Have you met me personally to warrant a name drop?

“Baka naka-drugs ka, I will kill you.”


Kasama ang naturang Facebook status ni Joyce sa ipinost ni Kakai sa kanyang official Facebook page.

Kabilang din dito ang screen grab ng exchange of comments ni Joyce at ng isang Facebook friend niya.

Isa sa mga nasabing comment ni Joyce, “Well it’s just her humor but why name drop me?

“I wasn’t the idiot who invented a delusional affair with Mario that’s why the Thais banned her from ever going near him.”


MARIO-KAKAI INVOLVEMENT. Matatandaang noong 2012 ay pumunta si Mario dito sa Pilipinas para gawin ang pelikulang Suddenly It’s Magic, kung saan nakapareha niya si Erich Gonzales.

Ito ay matapos sumikat si Mario sa Pilipinas matapos ipalabas ang pelikula niyang Crazy Little Thing Called Love sa ABS-CBN noong taong 2011.

Sa Suddenly It’s Magic unang nagkatrabaho sina Mario at Kakai, at dito sila naging magkaibigan.

Noong 2013 naman ay kumalat ang mga litrato nina Mario at Kakai na magkasama at tila “sweet na sweet” sa isa’t isa.

Pinabulaanan naman ni Cacai sa isang interview ang mga balitang lumabas na may namamagitan sa kanila.

Read: Comedienne Cacai Bautista clarifies 'romantic photos' with Mario Maurer

Bukas ang PEP sa panig ng mga taong may kinalaman sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN