Donita Rose to take a break from showbiz to heal broken heart

IMAGE Instagram (@realdonitarose)

Donita Rose said in an Instagram comment that she is taking a break from showbiz to heal her broken heart.


Pansamantala munang magpapahinga si Donita Rose sa showbiz upang mag-focus sa kanyang anak at paghilumin ang kanyang nawasak na puso, matapos niyang kumpirmahin kamakailan na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Eric Villarama pagkatapos ng 12 taong pagsasama.

Noong July, nagsalita sa isang radio program si Donita at kinumpirmang tinapos na nga nila ng kanyang mister ang kanilang pagsasama.

Sa kabilang banda, si Eric naman ay nagpu-post na ng mga larawan kasama ang kanyang bagong girlfriend.

Read: Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama after he posted photo with another girl

Sa Instagram post ni Donita nitong July 29, isang netizen (@jherianne1.29) ang nagkomento na hindi siya makapaniwala kung bakit nag-“cheat” ang asawa ng actress-TV host, gayong di hamak na mas maganda naman daw si Donita kumpara sa bagong girlfriend ng estranged husband.

Pinasalamatan ni Donita ang netizen sa kanyang “kind words” kalakip ang Bible verse na Romans 8:28.

Dagdag pa niya, “I believe that and am now looking forward with only happiness in my heart.”



Sa Instagram post naman niya nung sumunod na araw, July 30, isang netizen (@zagvut) ang nagtanong kay Donita kung kailan muling mapapanood sa telebisyon ang aktres.

Sumagot dito si Donita at sinabing hindi siya sigurado.

Sa ngayon ay magbabakasyon muna raw siya sa showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kanyang "broken heart" at anak.



Noong August 4 naman, nag-post sa Instagram si Donita at ibinahagi ang bagong endorsement niya na aniya’y akma sa kanyang pinagdaraanan.

Aniya, hindi raw sumuko sa kanya ang bagong iniendorsong produkto at siya pa rin ang gusto nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN