Bea Alonzo, Gerald Anderson falling for each other anew?

IMAGE Noel Orsal

Are second chances possible for Bea Alonzo and Gerald Anderson? Read between the lines. He says, "Ayaw naming mag-jump forward sa ganun, step by step." She says, "Yung ganyan, hindi nai-schedule, hindi natin napaplano 'yan."


Marami ang naghihinalang nagkakagustuhang muli ang dating magkasintahan na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ngunit parehong non-committal ang dalawa nang tanungin tungkol dito.

Sabi ni Gerald, “Walang sagot diyan kasi we’re just enjoying.

“Ini-enjoy lang namin ito, every day, every moment na makasama ko siya.

“So, ayaw naming mag-jump forward sa ganun, step by step.

“Fall in love again? Pag nangyari yun, nangyari yun.

“Di mo kayang pigilan at di mo kayang pilitin ang love, it just comes naturally.”

Sambit naman ni Bea, “Yung ganyan, hindi nai-schedule, hindi natin napaplano ‘yan, so hindi ko alam.”

Kamakailan ay may mga larawang naglabasan kung saan nag-bonding sina Bea at Gerald sa Jump Yard, isang activity center sa Pasig City.

Kuwento ni Gerald tungkol dito, “Nagtsi-chill kami, matagal na naming gustong gawin ito.

“Nagsu-shooting pa lang kami, napag-usapan namin gusto naming mag-Jump Yard.

“Kinukuwento ko sa kanya na masaya yun, ayun, medyo nagkaroon kami ng time.

“Ang galing niya, yun lang ang masasabi ko. Ang galing niya!”

Komento ni Bea, “Hindi talaga ako sporty, pero nag-enjoy naman kami, nag-bowling kami recently.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina Bea at Gerald sa MOR Music Awards na ginanap kagabi, August 7, sa Kia Theater.

JOHN LLOYD & MAJA. Samantala, nagpahayag ng pasasalamat sina Bea Alonza at Gerald Anderson sa suportang ibinigay sa kanila nina Maja Salvador at John Lloyd Cruz sa kanilang pelikulang How To Be Yours.

Usap-usapan pa rin ang pagpu-post ni Maja ng larawan nila ni John Lloyd, kung saan ginaya nila ang pose nina Bea at Gerald sa poster ng pelikula.

Kumpirmado ring pinanood ng dalawa ang How To Be Yours, kasama ang ilang mga taga-Star Magic, bilang suporta kay Bea, na malapit na kaibigan ni Maja at kapareha naman ni John Lloyd sa blockbuster movies na ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Maja Salvador and John Lloyd Cruz watch Bea-Gerald movie together

Pahayag ni Gerald, “Sobrang thankful ako na they took time out from their busy schedules para manood.

“Alam ko group sila so the more the better para sa amin, so sobrang thankful kami sa support.”

Sabi naman ni Bea, “I’m very, very happy na nanood sila.

“Actually na-touch nga ako kasi yung ginawa nila sobrang sweet yun.

“Talagang nagpa-picture pa sila dun sa poster, parang ineengganyo nila ang tao to watch it.

“Sobra akong nagpapasalamat kasi sinupport nila yung pelikula at nagustuhan nila.”

Hindi pa raw nakausap ni Gerald si John Lloyd at si Maja na dati niyang girlfriend.

“Hindi pa, hindi pa, di ako nakapag-ASAP kanina.

“Na-touch ako? Sobra-sobra, she’s one of the nicest persons I’ve ever met in my life.

“That shows kung gaano siya ka-down to earth, mature, and sobrang friendly, supportive.”

Sa parte naman ni Bea, “Kami ni Maja magka-text kami,we were talking that afternoon.

“I was supposed to go with them kaya lang may taping ako.”

Sa palagay kaya nila ay may namamagitan kina Maja at John Lloyd?

Sagot ni Gerald, “Labas na ako diyan, alam ko kung ano ang mangyayari dito."

Sabi naman ni Bea, “Di ko alam, parang wala naman... ewan ko, I can’t speak for them.

“Hindi ko alam kasi parang magkapatid yata ang dalawa,” na ang tinutukoy ay pareho ng handler ang dating magkasintahan.

Dagdag pa ng aktres, “I’m preoccupied with my happiness right now, yung sarili kong happiness, my priorities and everything I am doing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN