Andi Eigenmann hurt by Jake Ejercito's decision to star with AlDub

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann on Jake Ejercito: "For the four years, five years that we were together, all he did was deny me and make sure that he would have nothing to do with me. But with the love team na siya lang ang triangle, 'Go, game ako.' Pero sa akin, he never wanted to be associated with me, anything."


Inamin ni Andi Eigenmann na nasaktan siya nang pumayag ang ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito na lumabas noon sa Kalyeserye ng Eat Bulaga bilang classmate ni Yaya Dub.

Maliban dito, pumayag din si Jake na umarte sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng Lenten episode ng naturang noontime show, na pinamagatang God Gave Me You, kasama ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Read: Jake Ejercito on being 'third wheel' in AlDub loveteam: 'Generally positive, pero hindi mawawala yung negative.'

Hindi raw inasahan ni Andi na papayag mag-artista si Jake, na balita ring kinukunsidera na maging leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy remake ng Koreanovela na My Love From The Star.

Saad ng Kapamilya actress, “Hindi! Never! Walang bahid. Hindi ko in-expect.

“Ang alam ko, ayaw niya.

“Palagi niyang sinasabi na ayaw niya at… medyo nag-uusap pa kami nung panahon ng AlDub.

“At alam niyang masasaktan ako kung ginawa niya yun.”

Bakit siya masasaktan kapag nag-artista si Jake?

Paliwanag ni Andi, “Because we were together for… well, hindi ko naman masasabing ako ang tama. Hindi naman natin maku-control ang sakit.

“Because for the four years, five years that we were together, all he did was deny me and make sure that he would have nothing to do with me.

“But with the love team na siya lang ang triangle, 'Go, game ako.'

“Pero sa akin, he never wanted to be associated with me, anything.

“Just to save face, he would say negative things about me, para lang patunayan sa mga tao na hindi niya ako gusto.

“Parang pinandirihan niya ako.

“Pero sa ibang love team… habang ako isinisigaw ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal, pero siya, sa ibang love team, kahit third party lang, game siya, papayag siya.

“Parang ang pangit-pangit ko!”

Alam ba ni Jake ang damdamin niyang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya. Kaya nga yata ginawa niya, kasi ang gusto lang niya sa buhay niya noon ay saktan ako.

“Noon, pero ngayon, okey na!” natawang sabi ni Andi.

Nakapanaym ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa presscon ng pelikulang Camp Sawi, sa La Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, August 9.

JAKE & ELLIE. Kung sila ay mukhang nag-fall apart na ang relasyon, mukhang hindi ganoon ang sitwasyon sa pagitan ni Jake at ng anak ni Andi na si Ellie.

Kapag nasa bansa si Jake, madalas ay may bonding moment ito sa anak ni Andi.

I'll keep you safe. Keep you warm

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Pahayag ng aktres, “Okey lang yun.

“Si Jake, wala akong masamang masasabi sa kanya pagdating sa anak ko.

“I’m very grateful that he loves Ellie.

“Yung sa amin, hindi connected yun sa relationship niya kay Ellie.”

Napag-alaman din ng PEP mula kay Andi na sa eskuwelahang pag-aari nina Jake nag-aaral si Ellie.

Na-curious tuloy itanong kay Andi kung libre ba ang anak sa naturang eskuwelahan.

“Hindi, nagbabayad siyempre!” natawa niyang sabi.

Discounted?

“Hindi, hindi ko alam!” tawa niya ulit.

FAILED RELATIONSHIPS. Sa tingin ba ni Andi ay nagkamali siyang mahalin si Jake?

Sagot ng 26-year-old actress, “You know, nobody’s perfect.

“I can’t say that I made a mistake by choosing him, but he can’t say the same. So, gets?

“Hindi, kasi yung nagkamali ako sa pagpili ng lalaki, napakabuti niyang tao.

“Yung timing siguro kung kailan, kung ano ang mga nangyari at pinagdaanan namin together as a couple, that’s what I don’t question his… yung pagkatao niya.”

Nakikita pa rin ba niya ang sarili na magpapakasal balang-araw?

Tugon ni Andi, “Marrying from before and now… I’m really happy in my state at the moment.

“But marriage is so, so far.

“It’s so far, right before the very back of my brain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not a priority at all.

“I’ve realized, I’m young anyway, parang why make a big deal of getting heartbroken when I can just focus with my career, which is more important because this is for Ellie.

“So, yung marriage, saka na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN