Inamin ni Liza Soberano na may nagtatangkang mag-hack ng kanyang social media account, kasunod ng pagkaka-hack ng Instagram account ng leading man niyang si Enrique Gil noong Lunes, August 8.
Nag-tweet pa si Liza ng kanyang pagkadismaya dahil sa pag-hack sa Twitter account ni Enrique noong Lunes.
Read: Enrique Gil's Instagram account hacked
Kahapon, August 9, nag-tweet ang bidang aktres ng teleseryeng Dolce Amore at sinabing may nagtatangkang i-hack ang kanyang account pero bigo sila dahil nagpapalit siya ng password.
Someone's been trying to hack me for a while now too. But they're never able to do so cause I'm always replying to the change pw emails.
— Hope Elizabeth (@lizasoberano) August 9, 2016
