Jake Ejercito denies starring opposite Jennylyn Mercado in My Love From The Star

IMAGE @unoemilio Instagram

Jake Ejercito on rumors that he will be cast in GMA-7's remake of My Love From The Star: "Nothing against the people behind the show though! It's just that my school sched won't permit me to do anything time-consuming."


Tinuldukan na ni Jake Ejercito ang espekulasyong siya ang napipisil na itambal kay Jennylyn Mercado sa GMA-7 remake ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

Sa Twitter posts ni Jake ngayong Huwebes, Agosto 11, hindi direktang tinukoy ni Jake kung anong TV show ang nauugnay sa kanya.

Ngunit sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Agosto 10, nabanggit na kinukunsidera umano ng GMA management si Jake na maging katambal ni Jennylyn sa My Love From The Star.

Sa parehong ulat ay naglabas ng kanyang saloobin ang dating nobya ni Jake na si Andi Eigenmann tungkol sa hindi inaasahang pagpasok ng binata sa showbiz.

Read: Andi Eigenmann hurt by Jake Ejercito's decision to star with AlDub

Ito ang pahayag ni Jake hinggil sa isyung posibleng gumawa siya ng isang TV series:

Ayon pa kay Jake, prayoridad niya ang kanyang pag-aaral sa ngayon.

JAKE'S FORAY INTO SHOWBIZ. Matatandaang minsan nang napanood si Jake sa “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga! noong January 16, 2016.

Nasundan ito ng guest appearance ni Jake sa Holy Week special ng Eat Bulaga!, ang God Gave Me You, tampok ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mula noon ay marami sa fans ni Jake ang umaasang hudyat ito na tuluyan nang sasabak sa pag-aartista ang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Samantala, narito ang reaksiyon ng Twitter followers ni Jake matapos pabulaanan ng huli ang espekulasyong magkakaroon siya ng TV show:






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN