Zsa Zsa Padilla to return home after month-long 'healing' in the US

IMAGE Instagram (@zsazsapadilla)

Zsa Zsa Padilla spent a month in the US to allow herself to heal after her breakup.


Babalik na ng Pilipinas si Zsa Zsa Padilla pagkatapos ng isang buwang pamamalagi sa US kasama ang kanyang pamilya at mga kamag-anak na naka-based sa Amerika.

Ito ang ipinost ng Divine Diva sa kanyang social media accounts nitong Huwebes ng gabi, August 11.

Ayon sa Divine Diva, nakabuti sa kanya ang nasabing one-month “hiatus” kasama ang mga kamag-anak niya doon.

Sa recent Instagram posts ni Zsa Zsa, tila pinagtuunan niya ng pansin ang pagba-bonding kasama ang pamilya, gayundin ang sarili, kagaya ng pag-aalaga sa kanyang kalusugan.

Ipinost din ng singer-actress ang katuparan ng isa sa kanyang lifelong dreams, ang mapanood ang concert ng American singer na si Barbra Streisand.

Bato, bato, Pik! After jogging at the park. Hello from my hometown, LV.

A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Noong July 14, inanunsiyo ni Zsa Zsa sa Instagram na magkakaroon siya ng “short hiatus.”

“I will be on a short hiatus to clear my mind with the hope that it helps heal my heart, body and soul.

“I wish you peace. I wish you love. I wish you all things true, good and beautiful.

“See you soon. Peace out.”

Nitong Mayo, kinumpirma ni Zsa Zsa ang paghihiwalay nila ng arkitektong si Conrad Onglao.

Nakatakda sanang magpakasal ang dalawa sa Italy bago matapos ang 2016, subalit nauwi ito sa paghihiwalay.

Hindi naman tinukoy kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.

Read: Zsa Zsa Padilla on breakup with Conrad Onglao: 'We tried. It didn't work out.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN