Zsa Zsa Padilla on breakup with Conrad Onglao: "We tried. It didn't work out."

Marami ang nagulat sa balitang hiwalay na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao dahil ang pagkakaalam ng lahat ay ikakasal na ang dalawa sa Florence, Italy bago matapos ang 2016.


Maikli ngunit makahulugan ang naging pahayag ni Zsa Zsa Padilla kaugnay ng kumpirmadong paghihiwalay nila ng arkitektong si Conrad Onglao.

Sa pamamagitan ng kanyang handler ay naglabas ng maikling statement sa media ang Divine Diva ngayong Martes, May 3:

"We tried. It didn't work out."

Ngayong araw rin pumutok ang balita tungkol sa breakup nina Zsa Zsa at Conrad.

Kinumpirma rin ito ng panganay na anak ni Zsa Zsa na si Karylle nang makapanayam ito ng media sa isang pagtitipon para sa presidential candidate na si Mar Roxas ngayong hapon.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

Marami ang nagulat sa balitang ito dahil ang pagkakaalam ng lahat ay ikakasal na ang dalawa sa Florence, Italy bago matapos ang 2016.

Read: Zsa Zsa Padilla engaged to architect boyfriend Conrad Onglao

Maliban sa kumpirmasyon ni Zsa Zsa at ang pahayag ni Karylle, wala nang iba pang detalye na ibinigay ang mag-ina sa dahilan ng paghihiwalay ng 51-year-old singer-actress at ng 60-year-old architect.

Ang tanging alam ng media ay umalis na si Zsa Zsa sa bahay ni Conrad sa San Lorenzo Village, sa Makati City, at bumalik na sa bahay nila noon ng kanyang yumaong partner na si Dolphy sa Marina, sa may ParaƱaque City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN