Rep. Lito Atienza reacts to Councilor Hero Bautista's alleged drug use

IMAGE Lito Atienza Facebook page

Buhay Party-List Rep. Lito Atienza on Quezon City Councilor Hero Bautista: "Kung mapapatunayan na user lang, dapat tulungan. Pero kung pusher, alam ko naman ang karakter ni Herbert, e, ipakukulong niya 'yan."


Nalungkot si Buhay Party-List House Representative Lito Atienza nang makarating sa kanya ang balita na, diumano, bumagsak sa drug test si Quezon City Fourth District Councilor Hero Bautista, ang nakababatang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ayon sa mga ulat, inamin ni Mayor Herbert sa meeting nila ng mga department head ng Quezon City Hall noong Miyerkules, August 10, na ang kanyang kapatid ang tinutukoy na konsehal na positive ang resulta ng drug test.

Read: Brother of Mayor Herbert Bautista allegedly tested positive for drug use

Pahayag ni dating Manila Mayor Atienza, “Si Herbert, matalik na kaibigan ko.

“Nalulungkot ako na meron siyang ganitong problema na nangyayari.

“Pero tama yung ginawa niya na siya na mismo ang umamin. Na handa siyang tulungan yung kapatid niya.

“Yun, e, kung mapapatunayan na user lang, dapat tulungan.

“Pero kung pusher, alam ko naman ang karakter ni Herbert, e, ipakukulong niya ‘yan.”

Dagdag pa ni Atienza, “Maski na noong mayor ako, kaibigan ko na si Herbert. Hindi pa siya vice mayor noon.

“Ang nakikita niya sa akin, e, tamang pamumuno at liderato, na yung mali, mali, at yung tama, tama.

“At yung rule of law ang aking palaging pinaiiral.

“Kaibigan, kapatid, kamag-anak, lahat ‘yan pare-parehong pinagdusa ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Atienza sa Ka Tunying's Cafe, sa may Quezon City, ngayong Biyernes, August 12.

Sinabi rin ng kongresista na kung user si Hero, hindi ito dapat alisin sa puwesto bilang konsehal dahil maituturing na biktima ang actor-politician.

“Basta ba mag-rehabilitate si Hero, pero kung pusher siya, kapag napatunayan na pusher siya, kakasuhan.

“Hindi na siya dapat maging konsehal.

“Ang batas natin, sinasabi, yung user, biktima, may sakit.

“Yung pusher, kriminal. Yun ang kaibahan.

“Magandang example yun na wala tayong dapat santuhin sa kampanyang ito.”

Patuloy ni Atienza, “Lumalabas na talaga kung gaano kalaki, kung gaano kaseryoso ang problema natin sa droga; kasama ang mga pulis, judges, pulitiko, mayor, congressman, mayor…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi ito binulatlat ni President Rodrigo Duterte, isipin niyo kung iba ang nanalong presidente?

“Ako, hindi ako tumulong kay Digong at hindi ako bumoto sa kanya.

“Pero iniisip ko, kung iba ang nanalo, tuluy-tuloy ang ating problema sa droga.

“Walang mangyayari sa Pilipinas kung droga ang nakatalukbong sa ating mga ulo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN