Mocha Uson on bashers: "Why are they castigating me? Is it because of my past?"

IMAGE Mocha Uson's Facebook page

Kung sakali mang mabigyan daw siya ng posisyon sa gobyerno, hindi ito tatanggapin ni Mocha Uson. Aniya, hindi kailangang magkaroon ng posisyon upang makatulong sa pagbabago.


Nagsalita ang sexy singer-dancer na si Mocha Uson hinggil sa pamba-bash na natatanggap niya sa social media, kagaya ng diumano’y pagtatalaga sa kanya ng Bureau of Customs (BOC) na maging social media consultant noong nakaraang linggo.

Nauna nang nilinaw ng nasabing ahensiya at ni Mocha mismo na walang katotohanan ang nasabing isyu.

Hiningi lamang daw ng BOC ang tulong ng sexy dancer at blogger sa paglilinis ng nasabing ahensiya ng gobyerno.

Read: Mocha Uson hurt by bashing over 'BOC appointment'

Sa panayam ng CNN Philippines kay Mocha noong nakaraang weekend, August 5, binigyang linaw niya ang ilan sa mga isyu.

Iginiit din ng lider ng Mocha Girls na wala siyang interes na makakuha o mabigyan ng posisyon sa gobyerno.

Pahayag ni Mocha, “I just want to clarify na wala akong balak pasukin ang pulitika. Wala po akong balak tumakbo kahit i-appoint [ako].

“Tinanong kasi ako kung anong gagawin ko pag in-appoint ako ni Pangulong Duterte.

“Hindi ko pa rin po tatanggapin dahil hindi naman po natin linya ‘yan, because I believe you don’t need to have a position or a title to help the government or to help the country.

“It should be voluntary, each and everyone of us should volunteer so that we can achieve that real change.”

Sa kasalukuyan, may ilang celebrity supporters si Pangulong Duterte na naitalaga sa ilang government positions.

Ito ay sina Arnell Ignacio (PAGCOR AVP for Community Relations), Freddie Aguilar (National Commission for Culture and the Arts head), Ramon Jacinto (presidential adviser on Economic Affairs and Information Technology), Aiza Seguerra (National Youth Commission chair), at Liza Dino (Film Development Council of the Philippines chairperson).

NO INTENTION TO BE A JOURNALIST. Nagbigay rin ng reaksiyon si Mocha sa mga namba-bash sa kanya, lalo na nang nabalitang mabibigyan siya ng posisyon sa Bureau of Customs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta niya, “Ano bang ipinuputok ng butse nila, wala ngang appointment?

“Why are they castigating me? Is it because of my past?

“Yes, I used to be a sex blogger. Dun naman nagsimula ang blog ko.

"Sex education, columnist for sexy men’s magazine. People are castigating me for that.

“I’ve done things in the past that I’m not proud of and I'm paying my dues.

“Napagsisihan ko na po yun. And now I’m trying to change.”

Hindi rin pinalampas ni Mocha ang pagkakataon upang magsalita tungkol sa ibinabatong isyu sa kanya na naghahangad siyang maging journalist.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng one-on-one interview kay Pres. Duterte, na noon ay nagsalita tungkol sa kanyang mga hinaing sa ibang journalists na diumano’y tiwali rin.

Paglilinaw ni Mocha, hindi siya nagpapaka-journalist sa nasabing video blog.

“Habang nagkukuwentuhan, siya yung patuloy na nagkukuwento, yung sama ng loob niya sa media.

“I leave it to the experts. I don’t have any plans of entering journalism. I don’t want to be a journalist.

“Ginagawa ko lang po, nagiging parang tulay ng ordinaryong mamamayang Pilipino at ating mga opisyal po.

“Ayokong isipin nila na nagmamarunong ako.

“I am an entertainer and I am a performer. Yun po ang aking expertise. Yun po ang aking passion.

“May iba rin po akong advocacy. I support President Duterte. I support him in pushing good governance, stop corruption and demanding better services [for the people].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN