QC Councilor Hero Bautista volunteers to go to rehab

IMAGE Hero Bautista on Facebook

Sasailalim si Quezon City Fourth District Councilor Hero Bautista sa anim na buwang drug rehabilitation. Pero gusto pa rin daw niyang magtrabaho kahit nasa loob ng drug rehabilitation center.


Boluntaryong sasailalim sa drug rehabilitation si Quezon City Fourth District councilor Hero Bautista.

Ito ang inanunsiyo niya sa kanyang privilege speech sa harap ng mga kasamahang konsehal sa lungsod ng Quezon ngayong Lunes ng hapon, August 15.

Sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN, sinabi ng kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na biktima rin siya ng drug menace.

Kasunod nito ang kanyang pamamaalam sa konseho.

Pahayag ni Hero, “I rise to express my intentions maybe a month or weeks sa journey ko na ito.

“I am Hero Bautista now signing off.

“I am a victim of a drug menace.

“Rest assured that I shall be stronger, more mature, and ready to propose policies to address the victims of drug menace and their families.

“Babalik po ako more mature at lalaban sa drugs.”

Sa dagdag pang ulat ng DZMM Teleradyo sa Twitter, sinabi ng actor-politician, “I take the moral high ground, in order to protect myself or my name and the institution that I now represent.

“I am volunteering myself to embark on a journey—a journey of soul-searching and self-discovery.”

Kasunod nito, ipinagtanggol ni Hero ang kanyang kapatid na si Mayor Herbert laban sa mga batikos dito sa social media.

Aniya, “I just want to put an end to this issue, because my brother is the mayor, never will be a drug protector.

“I am the protector of my brother.”

Suportado naman si Hero ng kanyang nakababatang kapatid na si Harlene Bautista sa kinahaharap nitong problema sa droga. Nanawagan din siya ng dasal para sa kapatid.

Saad ni Harlene, “Nandito lang kami for him and gagawin namin lahat para maging maayos ang buhay niya.”

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay lumutang ang pangalan ni Hero matapos lumabas ang balitang isang elected official sa Quezon City ang nagpositibo sa drug test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Brother of Mayor Herbert Bautista allegedly tested positive for drug use

WORK FROM REHAB. Ayon naman sa spiritual adviser ni Hero na si Fr. Larry Faraon, sa Tahanan Drug Facility ng siyudad sasailalim ng rehab ang konsehal.

Pahayag niya, “Gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang gawain bilang public servant.

“Wala namang problema doon kasi noong araw, nagre-rehab ako ng mga businessmen, nagre-rehab ako ng mga officials ay tuluy-tuloy naman ang trabaho nila.”

Wala pang reaksiyon si Mayor Herbert tungkol sa privilege speech ng kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN