DJ Karen Bordador, boyfriend face drug charges after buy-bust operation

IMAGE darkmeetsbrightdotcom

Couple Karen Bordador and Emilio Lim to face multiple charges after getting caught in a drug buy-bust operation.


Matapos mahuli sa isang drug buy-bust operation, haharapin ni DJ Karen Bordador at ng boyfriend niyang si Emilio Lim ang ilang drug-related charges.

Ayon sa ulat ng GMA News, sumailalim sina Karen at Emilio sa inquest sa tanggapan ng Pasig City Prosecutor's Office kanina, August 15.

Dito ay kinumpirma na marijuana at ecstasy ang nahuli sa kanila, base sa pagsusuri ng crime laboratory.

Ayon sa pulisya, si Lim ay itinuturong supplier ng tinatawag na “party drug” sa mga club sa Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig.

Read: Radio DJ Karen Bordador, boyfriend arrested in drug buy-bust operation

Ayon sa ulat ng GMA News, tumangging magbigay ng pahayag si Lim sa mga reklamong isinampa laban sa kanila ng girlfriend niyang si Bordador.

Samantala, itinanggi naman ng radio DJ na sangkot siya sa diumano'y pagsu-supply ng illegal drugs ng kanyang kasintahan.

EX-BOYFRIEND REACTS. Kaugnay ng balitang ito, nais linisin ni Chris Tan ang kanyang pangalan sa isyung kinasasangkutan ng dating girlfriend na si Karen Bordador.

Sa panayam sa kanya ng Inquirer.net, umalma si Tan sa maling impormasyong nailathala sa ilang pseudo news sites, kung saan siya ang tinukoy na boyfriend ni Karen na sangkot diumano sa illegal drugs.

Aniya, “It’s pretty bad because it’s a matter of drug dealing and right now with the extrajudicial killings happening, I’m scared that somebody might claim I’m the drug dealer, you know the lynch mob mentality, mamaya I might be walking and then suddenly people might mob me and do something to me.”

Nilinaw rin ni Tan na matagal na silang walang komunikasyon ng dating girlfriend.

Hindi pa raw niya nakikita sa personal ang tinutukoy na suspek na si Lim.

Naghiwalay sina Bordador at Tan dalawang buwan matapos ang kanilang paglabas sa dating reality show ng ABS-CBN na I Do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: I Do couple Karen Bordador and Chris Tan break up


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN