Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

IMAGE Noel Orsal / Jake Ejercito Instagram

Andi Eigenmann and ex-boyfriend Jake Ejercito hit each other on Twitter with revealing information. Andi tells Jake: "So don't you dare even complain about Ellie and I being accepted and loved wholeheartedly by someone else because that is not our fault that you found it so hard to be proud that you had us."


Nagsagutan at nagbatuhan ng akusasyon sa Twitter ang dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Ito ay nagsimula dahil hindi nagustuhan ni Jake ang “paggamit” ni Andi sa kanyang pangalan upang i-promote ang bagong pelikula ng aktres.

Noong Linggo, August 15, isang mahabang Twitter message ang ipinost ni Jake bilang reaksiyon sa pagsasalita ni Andi sa press conference ng pelikulang Camp Sawi tungkol sa dati nilang relasyon.

Read: Andi Eigenmann: No more reconciliation with Jake Ejercito

JAKE'S MESSAGE TO ANDI. Sabi ni Jake sa kanyang Twitter post, wala siyang kaalam-alam na nabanggit pala ang kanyang pangalan sa interview ni Andi para sa promotion ng pelikula nito.

Sinabi pa ni Jake na hindi siya bahagi ng pelikula at matagal na rin silang walang komunikasyon ni Andi.

“Alright, I've no idea why I'm being mentioned in interviews to promote something I'm not even part of and when my closest connection to the film is someone I haven't been in proper contact with for a long time.

“Can't you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?

“As much as I've tried my best to ignore it, I can't stay silent when I am conveniently and effortlessly being maligned out of nowhere.

“Stay positive and real, everyone. And for those who aren't, try it. Life is too awesome.”

Ginamit pa ni Jake ang hashtag na "#CampMoveOn."


ANDI TO JAKE: 'DON'T ME!' Hindi naman ito pinalampas ni Andi at sunud-sunod ang kanyang tweet upang sagutin si Jake.

Depensa ni Andi, sumasagot lamang sila sa mga tanong ng press.

Batikos pa ni Andi sa dating karelasyon: “Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao?

Mayroon akong apat na maganda, sexy, at magagaling na kasama sa pelikula hindi kita kailangan para lang panoorin ang pelikula namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawag pang "mayabang" at "narcissistic" ni Andi si Jake.

Buwelta pa ni Andi kay Jake: “Kaya nawala yung taong mahal mo sa buhay mo dahil masyado kang busy hanapin lahat ng mali kesa tumingin sa tama.”




Naging makahulugan pa ang ilang tweets ni Andi nang banggitin niya ang anak na si Ellie.

So don't you dare even complain about Ellie and I being accepted and loved wholeheartedly by someone else because that is not our fault that you found it so hard to be proud that you had us.”

Sa kabila ng mga usap-usapan, wala pa ring direktang pag-amin kung anak nga ni Jake si Ellie kay Andi.

Pero base sa mga social media post ni Jake, madalas silang mag-bonding ni Ellie.

Patutsada pa ni Andi kay Jake:

Sa sunud-sunod na tweets ni Andi, isang maiksing tweet naman ang isinagot ni Jake dito:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN