DJ Karen Bordador caught in possession of illegal drugs

IMAGE Souther Police District

Nasa kustodiya ngayon ng Southern Police District ang magkasintahang sina Emilio Lim at Karen Bordador matapos silang mahuli sa isang drug buy-bust operation.


Kinumpirma ng pulisya na nahulihan din ng ilegal na droga ang radio DJ na si Karen Bordador sa isinagawang buy-bust operation sa condo unit ng boyfriend niyang si Emilio Lim kamakailan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, August 15, sinabi ng pulisya na may nakuha ring ecstasy kay Bordador sa ginawang operasyon ng pulisya.

Pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, “For the three weeks surveillance, we cannot say that she was directly involved, but recovered from her possession are some ecstasy during the progress operation that was done by our operatives.”

Hindi tinukoy kung paano ito nakuha sa radio personality, pero ayon kay Molita, “That will be properly confirmed by operatives during the court hearings.”

Sa isang video report ng GMA News, maririnig na sinabi ni Bordador na: “Wala po akong ginagawa... bumisita lang ako.”

Ayon sa mga naunang ulat, umaabot sa P2.8 million ang halaga ng marijuana at iba't ibang flavors ng ecstacy na nasabat sa condo unit ni Lim.

Kinumpirma ng crime laboratory na illegal drugs ang mga ito, bago humarap ang magkasintahan sa Pasig City Prosecutor's Office kahapon, August 15.

Sa ngayon ay haharapin nina Bordador at Lim ang patung-patong na reklamo tungkol sa illegal drugs.

Kabilang na rito ang akusasyong supplier ng party drugs si Lim sa ilang bars sa Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig.

Read: DJ Karen Bordador, boyfriend face drug charges after buy-bust operation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN