Jake Ejercito calls Andi Eigenmann 'fake'; Andi calls Jake 'talentless'

IMAGE Noel Orsal (Andi)/Instagram (@unoemilio)

Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito continue to lambast each other on social media. Jake called Andi a 'fake,' while Andi called Jake a 'talentless guy.'


Nagpatuloy ang batuhan ng mga tirada ng dating magkasintahang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa Twitter.

Ngayong Martes ng umaga, August 16, nagpalitan ng maaanghang na salita sina Andi at Jake sa Twitter.

Ito ay kasunod ng pagpu-post ni Jake ng isang mahabang pahayag sa social media, kung saan inakusahan niya ang aktres na ginagamit ang kanyang pangalan para i-promote ang bagong pelikula nito.

Nag-react naman dito si Andi at sunud-sunod ang ginawa niyang tweets laban sa ex-boyfriend.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Ngunit hindi pa pala tapos ang patutsadahan ng dalawa.

Ngayong hapon, nagpatuloy ang sagutan nina Jake at Andi sa Twitter.

Sa mga bagong tweet ng dalawa, nadamay na rin ang ibang tao; kagaya ng ama ni Jake na si Manila City Mayor Joseph Estrada at ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

JAKE CALLS ANDI "FAKE." Nabuhay muli ang patutsadahan ng dalawa nang sagutin ni Jake ang isang netizen na tinawag siyang “irrelevant” at nawalan daw siya ng respeto sa binata.

Sabi pa ng netizen, dapat daw makinig si Jake kay Andi.

Buwelta ni Jake, mas gusto pa niyang magpakatotoo kaysa maging “relevant sham.”

Ibig sabihin ng sham ay fake o huwad.

Naging maanghang pa ang sumunod na tweet ni Jake:

ANDI CALLS "JAKE TALENTLESS GUY." Sa kanya namang tweet, pinuna ni Andi ang sinabi ni Jake na "relevant sham."

Tinawag niyang walang talento si Jake at nakisali lang daw ito sa AlDub para sumikat at ikampanya ang kanyang ama.

Matatandaang nag-guest si Jake sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! kung saan gumanap siya bilang kaklase ni Yaya Dub.

Sa unang pagkakataon din ay pumayag si Jake na umarte sa pamamagitan ng Lenten drama special ng Eat Bulaga! na God Gave Me You, kung saan nakasama niya sina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang tula pa ang ibinahagi ni Andi sa Twitter tungkol sa pagiging babae na lumalaban sa diskriminasyon.

Sa sumunod niyang tweet, sinabi ni Andi na ipinagtanggol lang niya ang sarili.

“And that is something I will not apologize for.” tweet ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN