Cloie Syquia-Skarne trains in PH for Miss Universe-Sweden

IMAGE Instagram (@cloiesyquia)

Cloie Syquia-Skarne, daughter of actor Gabby Concepcion with Jenny Syquia, trains under Aces & Queens in preparation for Miss Universe-Sweden 2016.


Naramdaman daw ni Cloie Syquia-Skarne na handa na siyang sumabak sa beauty pageant ngayong taon, kung kaya't sumali siya sa Miss Universe-Sweden 2016, na gaganapin sa Stockholm, Sweden, sa August 28.

Si Cloie ay anak ng aktor na si Gabby Concepcion sa dating actress-model na si Jenny Syquia at half-sister ng actress-TV host na si KC Concepcion.

Read: KC Concepcion's half-sister Cloie Syquia-Skarne is a finalist in Miss Universe-Sweden 2016

Kasalukuyang nasa bansa si Cloie at nagti-train para sa sasalihang beauty pageant.

Pumunta siya sa Pilipinas kamakailan upang mag-training sa ilalim ng Aces & Queens, ang pageant camp ng beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Sabi ni Cloie sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe para sa TV Patrol ngayong gabi, August 16, “I've been training on walking and question-and-answer and I'm learning because I didn't have any training before this pageant, no background.

“It's all new and I'm just learning all the moves and all the basics that I'm gonna have to need.”

FIRST-TIMER. Ito ang unang beses na sumabak ni Cloie sa isang major pageant.

Pangarap daw talaga niya mula pa pagkabata ang maging beauty queen.

“I've been thinking about it for a few years, actually.

“But then, this year, I felt I was ready and I wanted to pursue my dream.”

Lumaki si Cloie sa Sweden kasama ang ina at asawa nito.

Dati na ring sumali sa pageant si Jenny sa New York noong kabataan nito.

Dagdag pa ni Cloie, supportive ang kanyang mga kapatid na sina KC at Garrie Concepcion.

Si Garrie ay anak naman ni Gabby sa negosyanteng si Grace Ibuna.

“They're my number one supporters. They're very sweet.

“My dad especially. He's really excited about it.”

Kapag pinalad na manalo si Cloie sa Miss Universe-Sweden, babalik siya dito sa Pilipinas sa January 2017 para sa Miss Universe 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN