Sunshine Dizon shares tips on how to move on from separation

IMAGE @victoria_belo on Instagram

Sunshine Dizon: "Hindi na uso ngayon yung iiyak ka na lang at pupunta sa isang tabi. Huwag, huwag ganun. Like, what I did was I made a conscious effort and decision to take out the negativity in my life and just really push through."


Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan ni Sunshine Dizon, mas pinili nitong maglaan ng oras para sa kanyang sarili.

Sa videos na in-upload ng celebrity cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo ngayong araw, Agosto 18, ibinahagi ng Kapuso actress kung paano ba dapat harapin ang isang nagtapos nang relasyon.

Saad ni Sunshine, “First thing that you will have to do is to accept that there is a problem, address it head on.

“Hindi na uso ngayon yung iiyak ka na lang at pupunta sa isang tabi. Huwag, huwag ganun.

“Like, what I did was I made a conscious effort and decision to take out the negativity in my life and just really push through.”

Dagdag niya, “And then, I also realize na it’s about time to really give myself the much needed love it needs.

“Kung hindi niyo nakuha yung love na yun outside, ikaw ang magbigay sa sarili mo.

“That’s not being selfish. Wala kang ibang aasahan kundi sarili mo lang din so dapat ayusin mo ikaw.

“Do something that will make you happy and better yourself.

“Puwede rin naman na, you know, you also spend time with your family, your friends, your children.

“Yung labas, it will take its course. Maaayos din ‘yan.”

Ipinunto rin ng Encantadia star ang halaga ng pagtitiwala sa Diyos.

“Strengthen your faith, kasi above all, pag wala ka niyan, talagang mahirap, mahirap bumangon.”

Ang kanyang huling tip para sa mga nagmu-move on:

“Just make a conscious effort to love yourself more.

“Feel beautiful every day and then I believe everything will just fall into place.”

Matatandaang noong Agosto 11 ay nagkaharap-harap sa korte si Sunshine, ang kanyang estranged husband na si Timothy Tan, at ang sinasabing third party sa hiwalayan nila na si Clarisma Sison.

Sa kanilang paghaharap, hindi maiwasang itanong ng press kung handa ba si Sunshine na patawarin ang kanyang mister?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “He will always be the father of my children.

“But forgiveness, that is something that, you know… I don’t know, I don’t know pa.”

Sa kabila nito, civil na rin naman daw ang pakikitungo nila sa isa't kahit pa may kasong isinampa si Sunshine laban kina Timothy at Clarisma.

Raed: Sunshine Dizon on husband Timothy Tan: 'Hindi na ako galit. Minsan, naaawa na lang ako.'

Narito ang full video:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN