Jinggoy Estrada dares Sen. Leila de Lima to answer President Duterte's accusations

IMAGE Noel Orsal / Jinggoy Estrada Facebook page

Former Senator Jinggoy Estrada to Senator Leila De Lima: "Sinabi mo na foul ang ginawa sa iyo ng pangulo. Teka, kung foul ang sinabi ng pangulo, bakit hanggang ngayon hindi ka pa nag-i-issue ng denial tungkol sa live-in partner mo na sangkot sa droga? E, di ibig sabihin nun, totoo, di ba?"


Kagabi, August 18, ay kumalat ang apat na katanungan para kay Senator Leila de Lima na diumano’y galing sa aktor at dating senador na si Jinggoy Estrada.

May kinalaman ang apat na tanong sa mga kontrobersiyal na akusasyon ni President Rodrigo Duterte laban kay Senator De Lima, na nanungkulan bilang Department of Justice secretary sa administrasyon ni ex-President Noynoy Aquino.

Si De Lima rin ang nagsangkot kay Jinggoy; pati na sa kaibigan niya at dati ring senador na si Bong Revilla Jr. at kay dating Senator Juan Ponce Enrile sa PDAF o pork barrel scam.

Dahil dito ay na-detain sina Jinggoy at Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ngayon naman, inakusahan ni President Duterte si Senator De Lima na tumanggap siya ng drug money noong kampanya para sa May 2016 elections.

Maliban dito ay sinabi rin ng pangulo na may relasyon daw ang senadora sa driver nito, na siya rin diumanong bagman sa mga natatanggap niyang pera.

Read: Erika Padilla not satisfied with Sen. Leila De Lima's statement about President Duterte's accusations

FIRST QUESTION. Kaugnay nito ay may mga katanungan na inilabas si Jinggoy:

“Una, sinasabi mo na character assassination ang ginawa sa iyo ni Pangulong Duterte.

“Di ba, ganun din ang ginawa mo sa 3 senador nung pinangalanan mo kami ay sangkot sa PDAF scam na wala namang ebidensiya?

“Isang taon kami pinutakte sa media dahil sa character assassination na ginawa mo sa amin, di ba?

“Marami kang iniwas na diumano'y sangkot sa scam ngunit 3 lang ang binanggit mo, di ba?”

SECOND QUESTION. “Sinasabi mo na nasasaktan ang mga anak mo at apo mo sa sinabi ng Pangulo.

“Kaming 3 senador ay may pamilya rin. May asawa ako at 4 na anak na halos mapuno ang balde sa kaiiyak nung pinangalanan mo ako.

“Di ba, masakit din yun sa aming pamilya? Halos wasakin at durugin mo kami sa taong bayan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THIRD QUESTION. “Sinabi mo na foul ang ginawa sa iyo ng pangulo.

“Teka, kung foul ang sinabi ng pangulo, bakit hanggang ngayon hindi ka pa nag-i-issue ng denial tungkol sa live-in partner mo na sangkot sa droga?

“E, di ibig sabihin nun, totoo, di ba?”

FOURTH QUESTION. “Ngayon, sinabi mo na bigyan ka ng pagkakataon sa ilalim ng ating saligang batas.

“Inisip mo ba yun nung banggitin mo kaming 3 senador? Makakalaban ba kami sa inyo nung nasa puwesto kayo?

“Kahit anong sabihin namin nung panahon na yun ay halos walang nakikinig sa amin dahil talagang pinagpipilitan ninyo na makasalanan kami, di ba?

“Mga senador lang kami at hindi kami makakalaban sa administrasyon! Bakit hindi mo inisip yung mga pinaggagawa mo nung araw sa amin?

“Hindi ka pa nakuntento, ipinakulong niyo pa kami!!”

JINGGOY’S DARE. Sa huli ay hinamon ni Jinggoy si Senator De Lima na itanggi nito ang mga akusasyon ni Pangulong Duterte.

“Ngayon, lumabas na ang mga issue sa iyo Gng. De Lima, hinahamon kita na i-deny mo ang mga akusasyon sa iyo ni Pangulong Duterte!

“Hindi ako makikialam sa personal na buhay mo ngunit kailangan mo sagutin kung bakit nasangkot ang driver mo sa illegal na droga!

“I hope my questions will reach the ‘honorable senator.’ I hope you know the meaning of RESPECT!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN