Kris Aquino appeals for respect amid rumored network transfer

IMAGE @kriscaquino on Instagram

Umapela ng pag-intindi at respeto ang tinaguriang 'Queen of All Media' na si Kris Aquino tungkol sa kanyang desisyon sa kanyang karera. Hindi man tuwirang inamin, napapabalita ngayong linggo ang diumano'y pagpirma ni Kris ng management contract sa Triple A na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment, ang producer ng sikat na noontime show na Eat Bulaga!


Nagbigay na ng pahayag si Kris Aquino sa pamamagitan ng Instagram tungkol sa napapabalita niyang pag-alis sa ABS-CBN.

Ang Kapamilya network ang kanyang naging tahanan sa loob ng dalawang dekada matapos niyang lumipat dito mula sa GMA Network.

Ayon sa usap-usapan, pumirma na siya ng kontrata sa Triple A Management ni Mr. Antonio Tuviera upang i-manage ang kanyang TV, film, at endorsement deals.

Si Mr. Tuviera ang may-ari ng APT Entertainment na producer ng sikat na noontime show na Eat Bulaga! at co-producer din ng Sunday PinaSaya ng Kapuso network.

Ang Triple A naman ang talent management arm ng APT Entertainment na namamahala ng career nina Marian Rivera, Andrea Torres, at Maine Mendoza.

Read: Is Kris Aquino returning to GMA Network?

"RECIPROCATE THE RESPECT." Hindi man tuwirang inamin ang balitang ito, sinabi ni Kris na sana raw ay irespeto ng mga tao at ng kanyang fans, ang kanyang naging desisyon dahil nirerespeto rin naman niya ang bashing na kanyang natanggap nang pumutok ang balitang paglipat niya sa GMA-7.

Marami kasing mga tagahanga ng Queen of All Media na nagsasabing hindi na nila susuportahan ang mga proyekto nito dahil sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN.

Sabi niya, “My family understood I needed some time to reflect and just be on my own...

“You all have a right to your opinions regarding decisions I've made & continue to make because you are all stakeholders in my career, and I need you...

“But I've also been praying that you will reciprocate the respect I've tried my best to consistently give you by being a dedicated & passionate professional.”

“LET ME SHOCK YOU WITH MY SILENCE.” Kilala si Kris bilang tactless o walang preno sa pagsasalita.

Pero sa panibago niyang post sa Instagram ngayong Sabado, August 20, sinabi niyang gugulatin niya ang mundo dahil kakayanin niyang manahimik muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukha ring paalis ng bansa o kaya ay magbibiyahe sa ibang lugar si Kris dahil nakasaad sa location ng kanyang post ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa caption, sabi niya: “I can & I will... Let me shock you with my silence.”

I can & I will... Let me shock you with my silence. ????

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@kriscaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN