Is Kris Aquino returning to GMA Network?

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino (kriscaquino)

A source tells PEP that Queen of All Media Kris Aquino is going back to GMA Network via a talk show.


Usap-usapan ngayon ang diumano'y paglipat ni Kris Aquino sa GMA Network.

Isang reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagsabing matutuloy na ang pagbabalik ni Kris sa Kapuso Network.

Ayon pa sa source, isang talk show ang magiging unang proyekto ni Kris sa GMA-7 na posibleng maging pre-programming ng Eat Bulaga.

Nag-umpisa ang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Kris sa ABS-CBN nang mag-post siya ng larawan kasama ang Television And Production Exponents Philippines, Inc. (TAPE Inc.) CEO at APT Entertainment executive na si Antonio Tuviera at ang anak nitong si Direk Mike Tuviera.



Ang hinuha ng ilan, base sa mga larawan, magkakaroon ng proyekto si Kris na maaaring iprodyus ng TAPE Inc. at APT.

Ang TAPE Inc. ay kilala at matagal nang blocktimer sa GMA Network.

Sila ang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! at ng daytime soap na Calle Siete.

Ang APT naman ay co-producer ng weekly comedy show na Sunday Pinasaya.

Samantala, malakas din ang bulung-bulungan na pumirma na ng management contract si Kris sa Triple A, ang talent management na pagmamay-ari rin ni Mr. Tuviera at namamahala sa showbiz career nina Marian Rivera, Andrea Torres, at Maine Mendoza.

Ayon naman sa isang source, may basbas daw ng kaibigan ni Kris na si Boy Abunda ang pagpirmang ito ng TV host-actress.

Si Boy ang nagha-handle ng edorsements ni Kris.

Nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment reporters na tanungin si Kris tungkol sa usaping ito nang dumalo siya kamakailan sa opening Ka Tunying's Cafe sa Timog Avenue, Quezon City, na katapat lamang ng GMA Network Center.

Subalit nakiusap ang Queen of All Media na huwag na muna siyang tanungin ng tungkol sa kahit ano.

Ang rason niya: “Pasensiya na, huwag niyo na ako tanungin ng anything, kasi apat na gamot ang nainom ko, baka kung ano pa ang masabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Apat na gamot ang nainom ko, hindi ko maalala ang lahat na mga nasabi ko.

“Don’t ask me about anything, baka kung ano ang masabi ko, hindi ko na maalala, hindi ko naman madi-deny.”

Read: Kris Aquino evades issues citing illness

Pagkatapos ng halos 20 taon ay natapos ang kontrata ni Kris sa ABS-CBN ngayong March 2016.

Bagamat napabalitang nakipag-meeting ang TV host-actress sa executives ng Kapamilya network noong July ay walang ulat kung ano ang naging kahinatnan nito.

Read: Kris Aquino meets with ABS-CBN execs for her TV comeback

Bago siya nagtrabaho para sa ABS-CBN ay nakilala muna si Kris bilang isa sa mga host ng showbiz talk show na Startalk sa GMA -7.

Sa ngayon ay nagbabakasyon si Kris sa Baguio para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ate na si Ballsy Aquino-Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN