Enrique Gil not threatened nor jealous of Liza Soberano's foreign admirers: "Sanay na 'ko..."

IMAGE Arniel Serato

Enrique Gil says he doesn't feel threatened nor jealous despite Liza Soberano's many admirers, including foreign artists Charlie Puth and The Chainsmokers: "Sanay na ako na pag may darating, name-mention si Liza. Ayos yun, kaysa naman ayaw sa 'yo, di ba? I feel blessed din. Siyempre, that goes to show na people appreciate Liza's beauty and personality."

 


Nananatiling kampante si Enrique Gil bagamat maraming humahanga sa kanyang ka-loveteam na si Liza Soberano.

Kamakailan lang ay nagpahayag ng interes ang American singer/songwriter na si Charlie Puth noong muli siyang bumisita sa Pilipinas para sa kanyang “Nine Track Mind” concert na ginanap sa KIA Theater noong August 14.

Read: American singer/songwriter Charlie Puth on Liza Soberano: "I sent her an invite but she's busy."

Nag-tweet si Charlie at inimbitahan nito si Liza na manood ng kanyang show, pero tumanggi si Liza dahil sa kanyang schedule.

Maging ang mga miyembro ng bandang Chainsmokers, na nag-concert sa MOA Arena nitong nakaraang August 19, ay nabighani rin sa ganda ni Liza. Inilarawan ni Alex Pall ang Dolce Amore actress bilang isang “hot chick.”

Read: The Chainsmokers on Liza Soberano: "She's like a hot chick!"

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enrique sa nakaraang set visit para sa Dolce Amore nung nakaraang Huwebes, kampante naman ang aktor na hindi siya nate-threaten o nakakaramdam ng selos kung may nagkakagusto man sa kanyang loveteam partner.

“Sanay na ako na pag may darating, name-mention si Liza.

“Ayos yun, kaysa naman ayaw sa 'yo, di ba?

“I feel blessed din. Siyempre, that goes to show na people appreciate Liza’s beauty and personality.

“It’s so good to know you have someone that is close to you.”

DOLCE AMORE ENDING. Ilang araw na lang ay matatapos na ang Dolce Amore.

Ayon kay Enrique, hindi pa ganung nagsi-sink in sa kanya na matatapos na ang pinagbibidahan nilang teleserye.

Pag-amin niya, “Actually, di ko pa napi-feel, e.

“Siguro pag ilang days na lang, yung mga eksena na alam mo ng papunta sa dulo.

“Dun mo na mapi-feel na ilang araw na lang wala na si Tenten, di na ako si Tenten.

“It’s sad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa tagal na ninyong nagsama, the whole team, you fall in love with the character, with the people, with the cameramen, lahat.

“Para siyang Forevermore dati, we became a family dun.”

Agad naming tinanong ang aktor kung paano ba ang ending na nakikita niya sa Dolce Amore.

Saad niya, “Ang alam ko lang may tatlong place na pinag-iisipan na di pa sure.

“Gusto ko sanang bumalik sa Italy, actually gusto kong dalhin yung tatlong kolokoy dun saka si Kulot.

“Gustung-gusto ko silang dalhin dun, just for experience.

“Dun nagsimula, maganda sana kung dun tapusin pero si Liza dun nagsimula sa Pinas ang end.

“Everything is really back home.”

Ano naman ang payong maibibigay ni Enrique sa karakter niyang si Tenten, base sa tinatakbo ng kuwento nila ngayon?

“Ang dami nang napagdaanan, ang daming beses na pinilit ng tadhana na ipagtagpo kayo, why stop?

“Halata na, destiny will always find its way. Accept it in your heart and it will come,” lahad niya.

Sa ngayon ay marami nang mga serye at pelikulang kinukunan sa ibang bansa.

FOREIGN LOCATION SHOOTS. Ipinagmamalaki ni Quen na ang Dolce Amore ay isa sa mga nagpasimula ng mga proyektong kinukunan sa ibang bansa.

Aniya, “Parang lahat ngayon naglalabasan na ng country e, ang dami.

“It feels good when Dolce Amore started there, yung pilot episode ini-air, iba yung fairy tale, yung feel sa TV when you see it sa shows sa ABS-CBN, yung mga ganung klaseng shoots.

“It’s also to promote other countries other than Philippines, but more than that, Filipinos in other countries, kung paano sila sa ibang bansa.

“Para ma-differentiate mo yung pamilya dito ng Pinoy, family Ibarra, pamilya Marqueza and de Lucca. It shows the young kids.”

NOT WORRIED ABOUT LOVETEAM'S FUTURE. Ang Lizquen ay isa sa maikukunsidera na sikat na tambalan sa ngayon kabilang ang Kathneil, Aldub at Elnnella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami sa mga artista na nagsimula sa pagkakaroon ng loveteam ay ipinapareha din sa ibang artista at sa kalaunan ay gumagawa ng sarili nilang pangalan as solo actors/actresses.

Paano raw kaya kung dumating sa puntong buwagin na ang Lizquen at ipareha sila Liza at Quen sa ibang mga artista?

Sabi niya, “Yeah, but I wish not now, not anytime soon.

“I don’t think that they will break something that is doing good naman and the fans don’t want to see it for sure.

“I don’t think they're going to break it unless they feel they need doing.

“As long as it makes good, makes money. I don’t think they gonna change anything, anytime soon.

“For me, it might do well, it might not do well, it’s also hard to take risks. Ako open ako.’

MORE SECURE RELATIONSHIP. Kinumusta din namin kay Quen kung ano ang estado ng relasyon nila sa ngayon ni Liza.

Ani Quen, “Siyempre habang tumatagal, you get more secure with one another, more relaxed, more responsible.

“Unti-unti, napi-feel mo, parang matanda na tayo ah.

“Alam ninyo yung matanda na parang mag-asawa kung paano magsalita, 'Lika, kain na tayo.'”

VACATION BREAK. Sa pagtatapos ng Dolce Amore, magkakaroon na rin ng oras sina Liza at Quen para makapagpahinga at makapag-enjoy pagkatapos ng mataga-tagal na panahong ginugol nila para sa kanilang mga taping at shooting.

“Gusto namin pero feeling ko di siya papayagan.

“We wanted to go to Bali, Indonesia. Wala lang, di malayo, malapit lang.

“Gusto namin sa isang resort lang, pero dream ko talaga Maldives.

“We will save it for better occasion. Baka mag-Bora Bora na lang muna.”

“Magbabakasyon kami sa New York, iikot kami dun, extended kami dun for a week after ASAP New York,” pahabol pa ni Quen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN