Sunshine Dizon on slimmer figure and red lipstick: "I don't wanna call it revenge."

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Dizon on her father-in-law: "I never had a problem with the family of Tim, especially my father-in-law. Hindi na lang napag-uusapan, pero ayoko rin umabot sa point na maapektuhan ang relasyon ko sa father-in-law ko or ng mga anak ko sa father-in-law ko. He's a very decent and good man and he's like my second father."


Marami ang nakakapansin sa malaking pagbabago ngayon kay Sunshine Dizon.

Sa kabila ng pinagdadaanang problema kaugnay ng paghihiwalay nila ng mister niyang si Timothy Tan, tila positibo pa rin ang disposisyon ng aktres.

At makikita ito sa magandang pangangatawan niya ngayon.


Pahayag naman ni Sunshine tungkol dito, “Nakakataba ng puso na, you know, in spite of what’s happening in my life, napaka-positive ng outcome pa rin.

“And sabi ko nga, hindi na lang din ‘to para sa akin, para na rin ‘to sa mas nakakarami.

“You know, they looked up to me and I served as an inspiration to them, di ba?

“Parang, ‘Siya, artista, lumaban siya, may ginawa siya about it.’

“You know, if it inspires them, then it’s a good news.”

Natawa naman si Sunshine nang tanungin kung pati ang red o pink lipstick niya ay may statement din sa pinagdadaanan niya ngayon.

Sabi niya, “Wala naman, gusto ko lang talagang mag-lipstick ng ganito, para masaya.”

Kinontra naman ni Sunshine ang impresiyon ng ilan na ang pagpapaganda at pagpapaseksi niya ay isang “revenge” sa kanyang estranged husband at sa diumano’y babae nito.

Aniya, “I don’t wanna call it revenge, I’m doing it for myself. Palagay ko ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang sandali bago siya pumasok ng Grand Ballroom ng Crowne Plaza Hotel, kung saan idinaos ang The PEP List Year 3 Awards Night, nitong Linggo, August 21.

Si Sunshine ang nag-present ng Teleserye Actress of the Year award na napanalunan ni Glaiza de Castro para sa The Rich Man’s Daughter.

Read: #PEPListYear3: AlDub named TV Stars of the Year; KathNiel voted Movie Stars of the Year

TIMOTHY’S DAD. Sa gitna ng legal battle na hinaharap nila ngayon, kamakailan ay nag-post si Sunshine ng larawan kasama ang dalawang anak nila ni Timothy at ang kanyang father-in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, marami ang nagpapalagay na kahit na may problema sila ni Timothy, maayos pa rin ang relasyon ni Sunshine sa in-laws niya.

Pagkumpirma ng Kapuso actress, “I never had a problem with the family of Tim, especially my father-in-law.

“Hindi na lang napag-uusapan, pero ayoko rin umabot sa point na maapektuhan ang relasyon ko sa father-in-law ko or ng mga anak ko sa father-in-law ko.

“He’s a very decent and good man and he’s like my second father.”

Nakakapunta pa rin daw sila ng mga anak niya sa bahay ng in-laws niya sa Guagua, Pampanga, pagkatapos nilang maghiwalay ni Timothy.

Sa katunayan, sa bahay ng in-laws ni Sunshine sa Guagua kuha ang larawang ipinost niya sa Instagram.

Naitanong din kay Sunshine kung suportado ba siya ng kanyang biyenan sa pinagdadaanan niya ngayon. Nararamdaman ba niya ang concern nito sa kanya?

Sagot ni Sunshine, “Yes, pero kumbaga, we just avoid talking about it.

“Sabi nga ng father-in-law ko... you know, he’s praying, he’s hoping na maaayos.

“Pero hindi para diktahan niya ako kung ano ang dapat kong gawin, because may sarili akong desisyon at hindi rin para mangunsinti sila dahil may maling nagawa.

“Pero kung puwedeng maayos, siyempre he’s all for that.”

Patuloy niya, “Actually, noong nasa Guagua ako, hindi yun napag-usapan. It’s more about bonding lang.

“Kasi, galing sa States ang father-in-law ko and he just really missed yung mga apo niya.”

May effort ba sa parte ni Timothy na makipag-ayos sa kanya at buuin ang nasira nilang pamilya?

Aniya, “I don’t want to elaborate, but actually kasi may gag order.

“I’m not sure if I’m privy to say this in public.

“Sa mga anak niya, maayos naman siya sa mga anak niya.”

Malaking bagay raw kay Sunshine na nang dumating ang dagok na ito sa buhay niya ay abala siya sa pagte-taping ng fantaserye na Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN