Sunshine Dizon meets father-in-law amid legal battle with estranged husband Timothy Tan

IMAGE Sunshine Dizon Instagram

Sunshine Dizon on good terms with father-in-law Lito Tan. "We missed you dad," said the Kapuso star who spent time with her father-in-law and kids last Sunday, August 14.


Tila nananatiling maayos ang relasyon sa pagitan ni Sunshine Dizon at ng kanyang father-in-law.

Ito ay sa kabila ng mga reklamong isinampa ni Sunshine laban sa diumano’y pang-aabuso at pambababae ng mister niyang si Timothy Tan.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, August 14, nagbahagi si Sunshine ng larawan kasama ang dalawang anak nila ni Timothy at biyenan na si Lito Tan.

Dito ay makikitang nakangiti si Sunshine, ang dalawa niyang anak, at pati na rin ang kanyang biyenan.

Sabi ni Sunshine sa caption ng kanilang larawan: "Happy weekend with Lolo Daddy. we missed you dad #chinadollandtonyboy"


LEGAL BATTLE. Noong nakaraang Martes, Agosto 10, nakaharap ni Sunshine si Timothy at ang diumano'y third party sa hiwalayan nilang mag-asawa na si Clarisma Sison.

Pagkatapos ng pagdinig noon sa Quezon City Prosecutor's Office, sinabi ni Sunshine sa panayam sa kanya ng press na desidido siyang ipagpatuloy ang reklamo laban kina Timothy at Clarisma.

Nais daw ng Kapuso actress na bigyan ng leksiyon ang mga "homewreckers."

Ani Sunshine, “Because it’s the children who suffer.

“So ako, as a legal wife, I am standing my ground and I will fight for my right...”

Read: Sunshine Dizon on Clarisma Sison: 'I will not dignify her with anything because she's too low for me.'

Sa naturang panayam ay sinabi rin ni Sunshine na maayos pa rin ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Timothy.

“Well, not necessarily suportado in the sense... kumbaga, nilalagay lang nila sa tama. Hindi naman nila kinukunsinti yung mali.”

Read: Sunshine Dizon on husband Timothy Tan: 'Hindi na ako galit. Minsan, naaawa na lang ako.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN