Alden Richards claims he knows Maine Mendoza too well: "Mata-mata na lang kami ngayon."

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on status of relationship with Maine Mendoza: "Parehas naman po kaming maligaya, parehas naman po kaming okey. Kaya feeling ko naman po, kung saan man kami makakarating ni Maine, ginusto po yun ng Diyos. Basta kami po, nag-e-enjoy lang sa kung anuman ang ginagawa namin."


Marami sa mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza ang nangangarap na magkatuluyan din sila sa totoong buhay.

May ilan pa ngang naniniwalang sila na, pero itinatago lamang daw nila.

Hindi ba nakakaramdam ng pressure sina Alden at Maine sa 'hiling' na ito ng ilang AlDub fans?

Saad ni Alden, “Hindi naman po, wala po talagang pressure sa aming dalawa ni Maine.

“Kasi, it’s a matter po of kung saan kami dadalhin ng mga ginagawa namin.

“Parehas naman po kaming maligaya, parehas naman po kaming okey.

“Kaya feeling ko naman po, kung saan man kami makakarating ni Maine, ginusto po yun ng Diyos.

“Basta kami po, nag-e-enjoy lang sa kung anuman ang ginagawa namin.”

Sa puntong ito, masasabi ba ni Alden na kilalang-kilala na niya si Maine ngayon?

“Opo naman! Mata-mata na lang kami ngayon,” nakangiti niyang sagot.

Dagdag niya, “Sa tagal ba naman, halos every day kaming magkasama sa Eat Bulaga, tapos yung mga shoots namin abroad.

“So, I can say na kilalang-kilala ko na po.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa The PEP List Year 3 Awards Night na ginanap sa Crowne Plaza Hotel nitong Linggo, August 21.

Noong first anniversary ng AlDub loveteam ay naging emosyunal si Maine at pinasalamatan nang husto si Alden dahil sa maraming blessings na dumarating sa kanila.

Na-appreciate ba niya ang ginawang yun ni Maine?

Sagot ng Kapuso actor-TV host, “Opo naman, kasi nag-lunch kami after ng Eat Bulaga.

“Kumbaga, nag-reflect lang kami. Pinag-usapan namin yung mga huling nangyari. Kung ano yung mga nangyari nitong past years.

“Parang ang sarap lang alalahanin na ang laki ng naitulong sa amin ng phenomenon, which is the AlDub phenomenon.”

Ang tinutukoy ni Alden ay ang pagdadala niya kay Maine sa Sofitel Hotel.

Read: Alden Richards reveals 'safe zone' with Maine Mendoza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “So yun, parang in a way, kaya po siguro siya nakapag-compose din ng ganung klaseng mensahe is because nai-inspire rin siya sa naging usapan naming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN