John Lloyd Cruz and Maja Salvador hit the beach in Davao

IMAGE @bashapopoy_lover (CTTO)

Kapamilya stars John Lloyd Cruz and Maja Salvador spend time in Davao for work and vacation.


Muling nagkaroon ng pagkakataong makapag-bonding ang dating One More Chance co-stars na sina John Lloyd Cruz, 33, at Maja Salvador, 27.

Base ito sa Instagram posts kung saan makikitang nakunan silang magkasama kamakailan sa Pearl Farm beach resort sa Malipano Island, Davao.


Ilan sa ginawa nilang water activities ay island hopping at swimming.


Kasama nina John Lloyd at Maja ang kanilang Star Magic handler na si Neneth Rustia sa maiksing bakasyon.


Naganap ang kanilang side trip bago pinangunahan nina John Lloyd at Maja ang isang Kapamilya Karavan show sa Davao City.


MOVIE TIME. Matatandaang unang namataang magkasama sina John Lloyd at Maja nang manood sila ng How To Be Yours, ang pelikulang pinagbidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Read: John Lloyd Cruz, Maja Salvador watch Bea-Gerald movie together

Agad namang nilinaw ng kanilang handler na walang ibang kahulugan ang panoood ng sine ng dalawa.

Sinuportahan lang daw nina John Lloyd at Maja ang pelikula ng kapwa Star Magic artists nilang sina Gerald at Bea.

Minsan nang naugnay si John Lloyd sa madalas na leading lady na si Bea; habang si Maja ay ex-girlfriend ni Gerald.

Read: Star Magic: John Lloyd and Maja did not have a romantic date


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN