Lea Salonga used to think she's 'not pretty enough' to be paired with Aga Muhlach

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga on working with Aga Muhlach: "He's really fun to work with. He's fun. He's funny. Hindi siya mabigat katrabaho. He's very easy to work with and once again, just that face makes it worth it to go to work just to look at that face."


Inamin ni Lea Salonga na dati siyang nai-insecure kapag tumatabi kay Aga Muhlach, na naging leading man niya sa dalawang pelikula noong ‘90s.

Nagbida sina Lea at Aga sa mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal noong 1992 at Sana Maulit Muli noong 1995.

Sinagot ni Lea ang mga tanong tungkol kay Aga sa ginawang live Q & A kasama ang Broadway star sa Facebook account ng Coalition of Asian Pacifics in Entertainment o CAPE, nitong Martes, August 23.

Isa sa mga tanong kay Lea ay kung ano ang nagustuhan niya sa pakikipagtrabaho kay Aga.

“Have you looked at the guy?” balik-tanong ng singer.

“Come on. Just look at his face, look into his eyes and that is all the answer you need.

“Truly. You look into his eyes and you kind of start forgetting your name because he’s just pretty.”

Patuloy niya, “When he was like really skinny and I was, I think I was a little chubby, we were actually paired up in the movie.

“I was thinking, I’m not pretty enough to be standing beside this person.

“Kumbaga sa Pilipino, nakaka-insecure siyang tabihan because he’s just an incredibly beautiful man.”

Biro pa ni Lea, ngayong mas mataba si Aga, ayaw niyang masyadong pumayat ang aktor.

“Now that he’s just a little bigger I feel less insecure.

“So I kinda don’t want him to lose weight para at least mas maganda pa rin ako sa kanya ngayon.”

Papuri pa ng singer, “But he’s really fun to work with. He’s fun. He’s funny.

“Hindi siya mabigat katrabaho. He’s very easy to work with and once again, just that face makes it worth it to go to work just to look at that face.”

Nagbigay rin ng pahayag si Lea tungkol sa pagbabalik ni Aga sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inanunsiyo ang pagbabalik ng aktor sa ABS-CBN sa isang press conference noong nakaraang linggo.

Magiging judge siya sa upcoming reality show na Pinoy Boyband Superstar, kasama sina Sandara Park, Yeng Constantino, at Vice Ganda.

Read: Aga Muhlach admits losing weight is the hardest part of his comeback

REUNION WITH AGA. Tanong kay Lea, kailan magaganap ang third reunion nila ni Aga sa pelikula.

Sagot ng judge ng The Voice Kids, 2008 pa lang ay pinag-uusapan na ang pagsasama nila ni Aga.

“But it’s really about finding about the right story, finding about the right script, finding the right moment.

“We’ve waited this long, we might as well make sure that it’s right.”

Pero masaya raw siya sa pagbabalik-trabaho ng kanyang dating ka-love team.

“I feel really excited and really happy that he’s back here.

“As for when the movie’s gonna happen, it’s gonna happen when it happens and I think we all just have to wait and until it’s right.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN