Supreme Court temporarily stops preparations for Marcos burial at Libingan ng mga Bayani

IMAGE GMA News TV

Supreme Court has issued a status quo ante order that temporarily halts preparation for the late ex-President Ferdinand Marcos's interment at the Libingan ng mga Bayani.


Inutos ng Supreme Court na hindi maaaring ilipat ang mga labi ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani sa susunod na 20 araw.

Base ito sa pahayag ni Supreme Court spokesman Theodore Te na nagsabing pormal nang nailabas ang isang status quo ante order kahapon, August 23.

Layunin ng utos ng Supreme Court na panandaliang matigil ang pagsasapatupad ng inilabas na memorandum ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na maumpisahan ang preparasyon para sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ay matapos makatanggap ang Supreme Court ng anim na petisyon mula sa mga grupong tutol sa pagpapalibing sa yumaong diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Kabilang dito ang martial-law victims, sa pamumuno ni dating Commission on Human Rights (CHR) commissioner Etta Rosales, na nagsampa ng temporary restraining order noong August 19.

Read: Martial-law victims file petition for temporary restraining order against hero's burial of Marcos

Ang nakatakdang oral arguments sa Supreme Court kahapon, August 23, ay na-reschedule sa August 21.

Sa kabilang banda, nanindigan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na qualified ang yumaong Pangulong Marcos, bilang dating sundalo at pangulo ng Republika ng Pilipinas, na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi raw ito nangangahulugang itinuturing na bayani si Marcos.

Sabi sa komentong isinumite ng Office of The Solicitor General sa Supreme Court:

“On the contrary, the interment of his remains at the Libingan was due to the fact that the late Ferdinand Marcos was a former President of the Republic, statesman and soldier, whose remains may be and are to be interred at the Libingan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN