OMB employee claims Ronnie Ricketts authorized disposal of seized DVDs, VCDs

IMAGE Ronnie Ricketts official Facebook acount

Ayon sa isang empleyado ng Optical Media Board (OMB) na tumestigo sa Sandiganbayan ngayong araw, August 24, inaprubahan ng kanilang dating chairman na si Ronnie Ricketts ang disposal ng mga nakumpiskang DVDs at VCDs sa raid ng kanilang ahensiya sa Quiapo, Manila, noong May 27, 2010.


Aprubado diumano ni dating Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts ang pagpalapabas mula sa kanilang opisina ng mga nakumpiskang 127 boxes at dalawang sakong DVDs at VCDs noong gabi ng May 27, 2010.

Ito ay matapos ang ginawang raid noong araw na yun ng mga tauhan ng OMB sa Quiapo, Manila, partikular na sa Sky High Marketing Corporation.

Dahil dito, sinampahan ng kasong graft ng Sandiganbayan si Ronnie at apat pa nitong tauhan dahil sa pagpapakawala nito sa natatanging ebidensiya laban sa mga namimirata ng pelikula.

Read: Sandiganbayan finds probable cause on graft case against OMB Chairman Ronnie Ricketts; arraignment is set on July 23

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, sa hearing ngayong araw, August 24, sinabi ng testigo at empleyado ng OMB na si Benjamin Duanan na inaprubahan ni Ricketts ang pagpapalabas sa kanilang opisina ng mga nakumpiskang kontrabando.

Dagdag pa niya, naibenta ang mga naturang DVDs at VCDs sa pamamagitan ng isang public bidding na inaprubahan naman ng Disposal Committee sa pamumuno ni Atty. Cyrus Valenzuela, isa rin sa mga nasampahan ng kaso.

Hinihingi na ng Sandiganbayan kay Duanan ang kopya ng disposal documents.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Ronnie tungkol sa usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN