KC Concepcion, Aly Borromeo get cozy in La Union

IMAGE Instagram (@thisiskcconcepcion and @alybor11)

KC Concepcion tries surfing for the first time with rumored boyfriend Aly Borromeo.


Nagbakasyon si KC Concepcion at ang rumored boyfriend niyang si Aly Borromeo sa La Union, base sa mga larawan nila sa kani-kanilang Instagram accounts.

August 22, Lunes, nang mag-post si KC ng mga larawan niya sa La Union.

Ibinahagi rin ng actress-TV host ang pagsubok niya ng surfing, isang aktibidad na popular sa nasabing probinsiya.

Makikita rin na kasama ni KC ang kanyang half-sister na si Garie Concepcion.

Bagama't hindi nag-post si KC ng larawan kasama si Aly, sa Instagram post naman ng Azkals team captain ay makikitang hinahalikan nito ang aktres sa karagatan.

Sa caption, sinabi pa ni Aly kung gaano siya ka-proud kay KC sa husay nito sa pagsi-surf na sinubukan niya sa unang pagkakataon.

Sa kabila ng hindi pag-amin ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, nagpo-post naman sila ng kanilang bonding moments at trips sa social media.

Kagaya na lamang ng Hong Kong trip nila noong July.

Read: KC Concepcion on cloud nine over Hong Kong trip with Aly Borromeo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN