Lovi Poe surprised by Rocco Nacino's statement that their split was not mutual

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe on breakup with Rocco Nacino: "Important kasi na marami pa akong ma-discover sa sarili ko. I don't wanna be unfair to myself and unfair to him especially. Sabi ko nga, sa lahat ng nangyari, hindi ko naman isinasara ang pintuan ko sa kung ano pa ang puwedeng mangyari sa akin. It's just that right now, at this very moment, I just want to do things alone."


Ikinagulat daw ni Lovi Poe ang naging pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Rocco Nacino na hindi mutual ang desisyon nilang tapusin ang kanilang relasyon.

Hindi man direktang sinabi ni Rocco, lumalabas na si Lovi ang nag-initiate ng kanilang breakup.

Read: Rocco Nacino clears issues about breakup with Lovi Poe

Reaksiyon naman dito ni Lovi, “Well, sabi ko nga po, nagulat nga po ako na sinabi niya nga po yun.

“Siyempre ako, parang ayoko nang pag-usapan kung kanino man nanggaling ito.

“I just pray and hope that we get to go to a good place.”

Kung sakaling hilingin ni Rocco na magkita at magkausap sila, upang magkaroon sila ng closure, sabi ni Lovi, “My door are always open naman.”

Si Rocco ba ang hindi talaga nakikipag-communicate sa kanya?

Saad ng Kapuso actress, “Siguro we just… hindi naman sa hindi siya nagko-communicate.

“I don’t know kung sino ang nag-i-initiate, walang nag-i-initiate.

“Pero hindi sa wala na kaming closure kasi nakapag-usap naman kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Lovi sa presscon ng bago niyang primetime series sa GMA Network, ang Someone To Watch Over Me, noong Lunes, August 22, sa La Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City.

END OF A RELATIONSHIP. Marami ang nanghinayang sa pagtatapos ng relasyon nina Lovi at Rocco.

Sa mga pinagdaanan nila, masasabi ba ni Lovi na mas dapat na nga silang maghiwalay kaysa isalba ang relasyon nilang dalawa?

Pahayag ng 27-year-old actress, “Important kasi na marami pa akong ma-discover sa sarili ko.

“I don’t wanna be unfair to myself and unfair to him especially.

“Sabi ko nga, sa lahat ng nangyari, hindi ko naman isinasara ang pintuan ko sa kung ano pa ang puwedeng mangyari sa akin.

“It’s just that right now, at this very moment, I just want to do things alone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open siya sa reconciliation?

“Of course I’m open,” mabilis niyang sagot.

“But right now kasi, talagang gusto kong mag-focus sa trabaho ko.

“I wanna have more time with myself. Marami kasi akong... siguro dumadaan ako sa quarter-life crisis.

“That there’s so many things that I want to do.”

Nagiging hadlang si Rocco sa mga bagay na gusto pa niyang gawin?

Paglilinaw ni Lovi, “No, hindi siya nagiging hadlang.

“If anything, si Rocco naman, he would push me to do my best in everything.

“Siguro kasi, may mga tao na they get to work on themselves better alone.”

Kung sakali, lalo na’t pareho silang mga artista ng Kapuso network, open daw si Lovi kung pagsamahin silang muli sa isang proyekto.

“Of course, I’m willing to work with him and professional naman kaming dalawa.”

MOVING ON. Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Rocco ang ilan sa mga ginawa niya para makapag-move on sa breakup nila ni Lovi. Isa na rito ang pagtira niya nang solo sa isang condo unit.

Sa parte ni Lovi, paano ang naging moving-on process niya?

Saad niya, “It’s hard to tell that one person has moved on.

“Mahirap yun, e, because it’s just hard to talk about moving on.”

Sa obserbasyon ng iba, tila naging madali sa kanyang makapag-move on.

Pagkontra naman ni Lovi, “No, I believe I just know how to carry myself.

“I just leave that at home. Iniiwan ko yung mga pinagdadaanan ko sa bahay.

“Ayoko kasing madamay ang trabaho ko.”

Nanghinayang ba siya na nauwi rin sa hiwalayan ang dalawang taong relasyon nila ni Rocco?

Sagot ni Lovi, “Well, siyempre maraming sana, sana ganito.

“But, wala, e… ganun talaga.

“Siguro ako, ang masasabi ko na lang, I did my best.”

Kung may pinagsisihan siya sa naging relasyon nila ni Rocco, ano ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Lovi, “Well, nothing, wala akong regrets.

“It was a really good relationship, I was happy.”

Hindi rin daw masasagot ni Lovi kung sino ang mas nasaktan sa kanila ni Rocco nang maghiwalay sila.

Aniya, “Every breakup is hard naman, e.”

NOT TRUE. Tinanong din ng PEP si Lovi kung in-unfollow ba nila ni Rocco ang isa’t isa sa social media.

Tugon niya, “Hindi, hindi ko siya ina-unfollow.

“Kasi, hindi naman porke’t hiwalay na kami, hindi ko na naiisip ang kalagayan niya.

“Of course, naiisip ko pa rin siya.

“Ang difference lang ngayon, inuuna ko ang sarili ko.

“Physically, hindi ko siya nakikita, pero iniisip ko ang kapakanan niya.

“And I’m always praying for him, I hope he’s always doing well.”

Nilinaw rin ni Lovi na walang kinalaman at hindi naapektuhan ng relasyon nila ni Rocco dahil sa isyu diumano nila tungkol sa credit card at pera.

Sabi niya, “No, no, not at all.

“At una sa lahat, si Rocco, hindi siya ganun. And he works really hard.

“Saludo nga ako kay Rocco kasi ang layo na ng narating niya.

“Yung isyu about money, not true at all. And I don’t know where it came from.

“First of all, wala kaming joint account.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN