Andi Eigenmann on Jake Ejercito: "Ay, ayoko na siyang makausap 'no!"

IMAGE Jake Ejercito Facebook Page / Noel Orsal (Andi)

Andi Eigenmann closes her doors to speaking again with ex-boyfriend Jake Ejercito. When asked if they have already talked about their issue, she replied, "Ay, ayoko na siyang makausap, 'no!"


Ayon kay Andi Eigenmann, hindi na niya gustong makausap pa ang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Sinabi ito ng aktres nang kamustahin siya ng ilang entertainment reporters sa premiere night ng pelikulang Camp Sawi sa SM Megamall nitong Martes, August 23.

Pero bago ito ay tinanong muna si Andi sa paglalabas niya ng saloobin tungkol kay Jake na idinaan niya sa Twitter.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Paliwanag ng aktres, “I’m minding my own life and ngayon inaaway pa rin ako.

“Ano na naman ang mali kong ginawa? Wala naman akong ginagawa kaya ako nainis.

“Basically, what I did was really to defend myself even if I would get flak for it.

“I mean, I don’t really think I deserve that, but what can I do?

“Is that really what I deserve because I chose to defend myself?”

Nagkakausap ba sila ni Jake?

Sagot ni Andi, “Ay, ayoko na siyang makausap, 'no!

“Hindi na talaga. Give up.”

Paano kung mag-sorry ito sa kanya?

Tugon ng 26-year-old actress, “Hindi siya nag-sorry, inaway niya pa ako lalo, so parang ayoko na nga makipag-usap doon.”

Dahil sa social media naganap ang sagutan nila ni Jake, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa pinagdadaanan ng dalawa.

Naiisip din naman daw ito ni Andi.

Aniya, “Siyempre, darating sa point na it matters to me what you will say about me on social media because I want to keep my career and I love my job, and I won’t allow anyone to jeopardize that for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN