Andi Eigenmann confirms being on good terms with Albie Casiño

IMAGE Noel Orsal (Andi) / Mark Atienza (Albie)

Andi Eigenmann on ex-boyfriend Albie Casiño: "Kilala ko rin naman kasi siya and whatever we had in the past is still good, and he's a good guy. We were young."


Kinumpirma ni Andi Eigenmann ang sinabi ng ex-boyfriend niyang si Albie Casino na maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon.

Ito ay matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nila dahil sa pagtanggi noon ni Albie na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi.

Read: PEP EXCLUSIVE. Albie Casio, Andi Eigenmann friends again?

Saad ni Andi nang makausap ng entertainment press sa premiere ng Camp Sawi kagabi, August 23, “Oh, yeah, ang tagal na, ang tagal na.

“Actually, the last time that I was asked about it, e, medyo nainis ako kasi sa mga naririnig ko.

“But then, when we saw each other, he was like, 'Alam mo, it’s basically baka nagkaroon lang ng misunderstanding because of the news.'

“Hindi naman kami nagkikita. Akala ko na he still talks about me in a bad way, pero hindi naman na pala.

“So when he said that, [sabi ko,] ‘A, okay.’

“Ganun naman talaga kasi, e, words can be twisted.

“Pero okay kami, sobra.”

Ikinuwento rin ni Andi kung paano sila nagkausap ni Albie.

“Nagkakasalubong kami, like, outside.

“As in, at first, it was awkward, as in natawa pa ako kasi akala ko nga magkaaway kami.

“Pero at that time, hindi na talaga ako galit sa kanya, and siya rin pala hindi naman.

“So he eventually went up to me na. Sabi niya, ‘Uy, misunderstanding lang yun!’

“Sabi ko, ‘Oh, that’s good.’

“At saka kilala ko rin naman kasi siya and whatever we had in the past is still good, and he’s a good guy. We were young.”

Dahil dito, kapansin-pansing wala nang dala-dalang excess baggage si Andi tungkol sa nakaraan nila ni Albie.

Sabi naman ng aktres, “Wala na talaga.

“Well, it’s been like that for a while naman na, and whenever lang I would get asked about him, nakakalito lang talaga, kasi we never saw each other before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then when we saw each other na, we both realized na, ‘Hindi naman pala, okay naman pala.’

“At saka mabait naman talaga ako, ayoko ng may kaaway, huwag mo lang akong awayin.

“Kasi kung inaway mo ako, aawayin kita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN