James Reid no complaints about non-stop work

IMAGE Rachelle Siazon

James Reid on the sweetest thing that he did for girlfriend Nadine Lustre recently: "We've been together in Greece. We've been working every day. So, it's hard to pull something on top of my head."


Aminado si James Reid na hirap siyang mag-isip kung ano ang sweetest thing na nagawa niya para sa girlfriend na si Nadine Lustre nitong mga nakaraang linggo.

Ito ay sa kadahilanang tuluy-tuloy raw ang taping nila para sa ipalalabas na ABS-CBN primetime teleserye na Till I Met You.

Sabi ng Viva prime artist, “I can't think on the top of my head.

“We've been together in Greece. We've been working every day.

“So, it's hard to pull something on top of my head.”

Gayunman, dinaluhan pa rin ni James ang birthday celebration ng mommy ni Nadine noong Lunes, Agosto 22.

Read: Jadine, Lauren Reid attend birthday celebration of Nadine Lustre's mom

Nakangiting sabi ni James nang kumustahin ng PEP ang pagkikita nila ng pamilya ni Nadine, “It was just a small family get-together. [We had] dinner. I brought my sister [Lauren Reid] along.”

Nakausap ng PEP si James sa launching niya bilang endorser ng Grab kahapon, August 24.

Walang reklamo si James kahit na kulang ang oras niya para sa personal niyang buhay.

Sa katunayan daw, nagpapasalamat siya sa bawat oportunidad na natatanggap niya ngayon.

“I have another primetime teleserye. I'm very blessed.

“Also... I'm really blessed to have so many [endorsements] right now.”

Anong reward ang ibibigay niya sa sarili kapalit ng puspusan niyang pagtrabaho?

Sagot ni James, “Reward? I guess... just spend time with my family — that's all I wanna do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN