Marian Rivera thankful to Angel Locsin, Jessy Mendiola for being kind and friendly to her

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera once again dispels competition with Angel Locsin and describes her as a friend. Marian also describes Kapamilya actress Jessy Mendiola as kind and friendly.


Nagbigay ng pahayag ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa ginawang gesture kamakailan ni Angel Locsin, kung saan tinag siya nito sa Instagram post ng caricature nilang dalawa na naka-costume ng Darna.

Parehong ginampanan ng dalawang aktres ang iconic Pinay superhero sa magkaibang telefantasya sa GMA Network; si Angel noong 2005 at si Marian noong 2009.

Read: Angel Locsin and Marian Rivera exchange messages about Darna

Sabi ni Marian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, magkaibigan naman talaga kami ni Angel at wala naman kaming naging problema na parang magkaaway. Walang ganun.”

Sa puntong ito ay binanggit din ni Marian ang isa pang aktres mula sa Kapamilya network na ikinukumpara sa kanya -- si Jessy Mendiola.

“Actually, sa showbiz, parang... example lang, ha, Jessy Mendiola nag-post siya sa Instagram niya.

“Wala naman masama kasi before pa naman, ginagawa talaga niya.”

Ang tinutukoy ni Marian ay ang Instagram post ni Jessy recently kung saan makikita si Marian sa background.

Kuha ang larawan sa event ng bagong endorsement ni Marian na iniendorso rin nina Jessy at Angel.

Read: Jessy Mendiola gets starstruck over Marian Rivera: 'Ang ganda niya at sobrang bait niya.'

Hindi nakarating sa event si Angel, pero wala raw nakikitang masama si Marian nang i-tag siya ni Angel sa isang Instagram post.

Sa katunayan, nag-comment pa si Marian sa post na iyon ni Angel.

Sabi pa niya, “Wala akong nakakaaway isa man sa kanila.

“Dapat nga maging thankful ako dahil ang bait nila and napaka-friendly nila sa akin.”

Kuwento pa ni Marian, siya ang unang bumati kay Jessy nang magkita sila sa event ng iniendorso nilang cosmetic brand.

“Noong pumunta ako sa Avon, nandun na sila, e.

“Ako yung last na dumating, so ako, ganun naman ako, e. Kung sino'ng huling dumating [siya ang babati].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Respeto yun. Ke sino 'yan, ke ano 'yan, nahuli ako, ako ang babati, at walang kaso sa akin yun, kahit ako ang unang bumati.”

Incidentally, bukod sa pare-parehong endorsers ng nasabing cosmetic product, ang isa pang pagkakahalintulad ng tatlo ay ang pagiging Sexiest Women ng men's magazine na FHM.

Itinanghal na FHM Sexiest Woman ngayong taon si Jessy, samantalang si Angel ay noong 2005 at 2010.

Si Marian naman ay naging FHM Sexiest Woman ng tatlong beses (2008, 2013, 2014) dahilan upang tanghalin siya bilang kauna-unahang FHM Hall of Famer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa anniversary press conference ng Sunday PinaSaya, na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, Miyerkules ng gabi, August 24.

SUNDAY PINASAYA. Tiniyak ni Marian na lalong masisiyahan ang viewers ng kanilang GMA-7 Sunday noontime comedy show na nakaisang taon na sa ere.

Nitong Linggo, August 21, inuwi ng Sunday PinaSaya ang Comedy Show of the Year award sa #PEPListYear3 awarding ceremony.

Read: #PEPListYear3: AlDub named TV Stars of the Year; KathNiel voted Movie Stars of the Year

Usisa sa Kapuso Primetime Queen, ano ang sikreto at nagtagal ang kanilang programa?

Saad ni Marian, “Ang pinakaimportante kasi na palaging sinasabi sa amin, yung pagmamahal namin sa isa't isa, yung pagiging concern namin sa bawat kasama namin dito sa trabaho.

“Siguro malaking factor yung nagtutulungan kami, nagkakaisa kami, at nagmamahalan kami.

“Pag ginawa mo nang buong-puso ang proyektong ito, walang hindi bubuhayin ito kundi hitik talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN