Aly Borromeo joins KC Concepcion's family dinner

IMAGE Sharon Cuneta's Facebook account

Aly Borromeo joined KC Concepcion's family for Sen. Kiko Pangilinan's birthday celebration this Wednesday night, August 24.


Nag-post ng family picture ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa 53rd birthday celebration ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan nitong Miyerkules ng gabi, August 24.

Kasama ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sina Frankie, Miel, Miguel, at ang panganay ng Megastar na si si KC Concepcion.

Kapansin-pansin namang kayakap ni KC sa naturang 'family picture' ang napapabalitang boyfriend niya — ang football player na si Aly Borromeo.

Maging sa kanyang caption, binanggit pa ni Sharon si Aly na kasalo nila sa isang restaurant sa Taguig City:

“Family birthday dinner for Daddy Kiko at Todd English Food Hall (with Aly B.).”

Sa isa pang larawan ay makikita sina Aly at Miguel na tila naglalaro ng football.


Bagamat hindi pa tuwirang inaamin nina KC at Aly ang tunay na estado ng kanilang relasyon, bukas naman sila sa pagsasabing espesyal sila sa isa’t isa.

Panay rin ang pagpu-post nila sa social media ng mga larawang kuha mula sa kanilang bakasyon.

Ngayong linggo, nagkasama ang dalawang pumunta sa La Union.

Read: KC Concepcion, Aly Borromeo get cozy in La Union


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN